Tuesday, July 2, 2013

Mga Elemento ng Tula

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona

Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

    Mga uri ng sukat

    1. Wawaluhin –
    Halimbawa:
    Isda ko sa Mariveles
    Nasa loob ang kaliskis

    2. Lalabindalawahin –
    Halimbawa:
    Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
    Sa bait at muni, sa hatol ay salat

    3. Lalabing-animin –
    Halimbawa:
    Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
    Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

    4. Lalabingwaluhin –
    Halimbawa:
    Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
    Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
    2 linya - couplet
    3 linya - tercet
    4 linya - quatrain
    5 linya – quintet
    6 linya - sestet
    7 linya - septet
    8 linya - octave

    Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

   Mga Uri ng Tugma

    1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung
    saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
    Halimbawa:
    Mahirap sumaya
    Ang taong may sala
    Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
    Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

    Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
    isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
    Halimbawa:
    a     a     a
    a     a     i
    a     i      a
    a     i      i

    2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan
    ang salita ay nagtatapos sa katinig.
    a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
    Halimbawa:
    Malungkot balikan ang taong lumipas
    Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

    b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y
    Halimbawa:
    Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
    Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
    ○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan
    upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo
Porma ng tula.

Tono/Indayog
Diwa ng tula.

Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan


No comments:

Post a Comment