Sawikain o Idyoma
Ano ang Sawikain o
Idyoma?
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang
kahulugan ay hindi komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na
kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay
kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Ito'y ay nagbibigay
ng di tuwirang kahulugan.
Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa
1. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal.
2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang
grupo ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan
Iba't ibang Sawikain
1. butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.
2. ilaw ng tahanan – ina
Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.
3. alog na ng baba - tanda na
Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.
4. alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.
5. bahag ang buntot – duwag
Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?
6.ikurus sa noo – tandaan
Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.
7. bukas ang palad – matulungin
Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.
8. kapilas ng buhay – asawa
Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.
9. nagbibilang ng poste - walang trabaho
Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?
10. basag ang pula - luko-luko
Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .
11. ibaon sa hukay – kalimutan
Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.
12. Ahas - taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si
Gavina ay isa pa lang ahas.
13. anak-dalita - mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.
14. alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang,
pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa
katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."
15. balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi
mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin
sa mga balitang-kutsero.
16. balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit
taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging
mabuting kaibigan.
17. Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.
18. basa ang papel - bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa
ating prinsipal na si Ginang Matutina.
19. buwaya sa katihan - ususera, nagpapautang na malaki ang
tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo
bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?
20. bukal sa loob - taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga
nangangailangan.
21. busilak ang puso - malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay
pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.
22. di madapuang langaw - maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong
toxedo.
23. di makabasag-pinggan - mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni
Nestor na si Nena.
24. Hampaslupa - lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.
25. isang kahig, isangtuka - kakarampot na kita na hindi
makasapat sa ibang pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang
kalagayan ng buhay.
26. itaga sa bato - tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man
kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.
27. itim na tupa - masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang
nagiging itim na tupa.
28. kalapating mababa ang lipad - babaing nagbibili ng aliw,
babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid
ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.
29. kakaning-itik - walang gaanong halaga, hindi
maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa
pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.
30. pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan
pagputi ng uwak.
31.pagiisang dibdib - kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa
Oktubre 18 sa darating na taon.
32. pusong-bakal - hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong
may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?
33. tinik sa lalamunan - hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon
sa kalabang pulitiko.
34. tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman...
iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.
35. maamong kordero - mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging
pinupuri ng kanyang guro.
36. Mahangin ang ulo - mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging
mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.
37. matalas ang ulo - matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may
karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.
38. mahina ang loob - duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga
kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.
39. malakas ang loob - matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat
na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.
40. makapal ang bulsa - mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya
hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.
41. makapal ang palad - masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay.
Isa na siyang milyonaryo.
42. magdilang-anghel - magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala,
magdilang-anghel ka sana.
43. kapit-tuko - mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na
nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.
44. kidlat sa bilis - napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung
ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.
45. kilos-pagong - makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.
46. mababaw ang luha - iyakin
Halimbawa:
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa
radyo o pelikula ay iniiyakan.
47. mabigat ang dugo - di-makagiliwan
Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa
baguhang si Norma na isang probinsiyana.
48. maitim ang budhi - tuso, masama ang ugali
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa
bilibid sa loob ng sampung taon.
49. malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan
Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang
kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.
50. malawak ang isip - madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:
Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip.
Marami kang matututunan, marami kang malalaman.
Thank You po! :)
ReplyDeleteDi po ba ito idyoma? Diba po yung sawikain yung nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa?
ReplyDeletekasabihan po iyan.
DeleteSa tingin ko po salawikain po iyan
Deletethank you po maraming salamat sa pag turo 🤗🤗🤗💖💖💖😊😊😊👍👍👍😇😇😇🇵🇭🇵🇭🇵🇭
DeleteAsan po dto yung gaposte ang taas
ReplyDeleteGa pison ang bigat
Ga kulisap ang pag iisip
Katawang tarzan
Tulad ni bondying
maraming salamat dahil na ka tulong to sakin he
ReplyDeletethank you po😊😊
ReplyDeleteSalamat nkatulong yan sa anak ko
ReplyDeleteSuntok sa buwan
ReplyDeletethank you po
ReplyDeleteAno pong pinag kaiba ng sawikain, idyoma , salawikain , at kawikaan ??
ReplyDeleteSawikain tungkol sa edukasyon pls kaylangan nato bukas
ReplyDelete