Tuesday, July 2, 2013

Mga Halimbawa ng Sawikain o Idyoma

Iba't ibang Sawikain

1. butas ang bulsa - walang pera
Halimbawa:
Palagi nalang butas ang bulsa mo dahil palagi ka nagsusugal.

2. ilaw ng tahanan – ina
Halimbawa:
Magaling ang aming ilaw ng tahanan pagdating sa pagluluto.

3. alog na ng baba - tanda na
Halimbawa:
Alog na ng baba na kayo para magbuhat ng mabigat.

4. alimuom – mabaho
Halimbawa:
Alimuom niyo naman po.

5. bahag ang buntot – duwag
Halimbawa:
Bakit ba bahag ang buntot ka?

6.ikurus sa noo – tandaan
Halimbawa:
Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

7. bukas ang palad – matulungin
Halimbawa:
Napakabukas ang palad mo.

8. kapilas ng buhay – asawa
Halimbawa:
Ang aking ina ay may kapilas ng buhay.

9. nagbibilang ng poste - walang trabaho
Halimbawa:
Bakit siya ay nagbibilang ng poste?

10. basag ang pula - luko-luko
Halimbawa:
Napaka basag ang pula mo .

11. ibaon sa hukay – kalimutan
Halimbawa:
Huwag mo ako ibaon sa hukay.

12. Ahas - taksil; traidor
Halimbawa:
Sa kabila ng mga kabutihan niya sa kanyang pamangkin, si Gavina ay isa pa lang ahas.

13. anak-dalita - mahirap
Halimbawa:
Magsikap kang mag-aral kahit ikaw ay anak dalita.

14. alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.
Halimbawa:
"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

15. balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.
Halimbawa:
Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

16. balik-harap - mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran.
Halimbawa:
Mag-ingat sa mga taong balik-harap. Sila'y hindi magiging mabuting kaibigan.

17. Bantay-salakay - taong nagbabait-baitan
Halimbawa:
Sa alinmang uri ng samahan, may mga taong bantay-salakay.

18. basa ang papel - bistado na
Halimbawa:
Huwag ka nang magsinungaling pa.Basa na ang papel mo sa ating prinsipal na si Ginang Matutina.

19. buwaya sa katihan - ususera, nagpapautang na malaki ang tubo
Halimbawa:
Maging masinop ka sa buhay, mahirap na ang magipit. Alam mo bang maraming buwaya sa katihan na lalong magpapahirap kaysa makatulong sa iyo?

20. bukal sa loob - taos puso tapat
Halimbawa:
Bukal sa loob ang anumang tulong na inihahandog ko sa mga nangangailangan.

21. busilak ang puso - malinis ang kalooban
Halimbawa:
Dahil busilak ang puso ng batang si Arnel, siya ay pinarangalan at binigyan ng medalya ng pamunuan ng Cebu.

22. di madapuang langaw - maganda ang bihis
Halimbawa:
Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

23. di makabasag-pinggan - mahinhin
Halimbawa:
Sa tingin palang, tila di makabasag-pinggan ang kapatid ni Nestor na si Nena.

24. Hampaslupa - lagalag, busabos
Halimbawa:
Lagi kang lamam ng lansangan, para kang hampaslupa.

25. isang kahig, isangtuka - kakarampot na kita na hindi makasapat sa ibang pangangailangan
Halimbawa:
Karamihan sa ating kababayan ay isang kahig, isang tuka ang kalagayan ng buhay.

26. itaga sa bato - tandaan
Halimbawa:
Ang masasamang bagay na ginawa mo sa itong kapwa,gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato.

27. itim na tupa - masamang anak
Halimbawa:
Sa isang tahanan may pagkakataong isa o dalawang anak ang nagiging itim na tupa.

28. kalapating mababa ang lipad - babaing nagbibili ng aliw, babaing puta
Halimbawa:
Maraming kalapating mababa ang lipad ang nakatayo sa gilid ng sinehan ng Odeon sa Sta. Cruz, Manila.

29. kakaning-itik - walang gaanong halaga, hindi maipagpaparangalan
Halimbawa:
Talagang mahirap ang walang pinag-aralan. Tumanda na sa pagtratrabahoang anak ni Mang Julio ngunit kakaning-itik pa rin ang kinikita.

30. pagputi ng uwak - walang maaasahan, walang kahihinatnan
Halimbawa:
Singil ka ng singil kay Aling Greta. Babayaran ka niyan pagputi ng uwak.

31.pagiisang dibdib - kasal
Halimbawa:
Ang pag-iisang dibdib nina Adila at Conrado ay gaganapin sa Oktubre 18 sa darating na taon.

32. pusong-bakal - hindi marunong magpatawad
Halimbawa:
Ganyan ba ang sinasabi ninyong relihiyosa at maawain gayong may pusong-bakal naman at mapagtanim ng galit sa kapwa?

33. tinik sa lalamunan - hadlang sa layunin
Halimbawa:
Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhinna lagi nang nakaayon sa kalabang pulitiko.

34. tulak ng bibig - salita lamang, di tunay sa loob
Halimbawa:
Huwag mong asahan ang pangakong binitawan ng kongresman... iyun ay tulak ng bibig lamang, alam mo naman ang mga pulitiko.

35. maamong kordero - mabait na tao
Halimbawa:
Ang anak ni Aling Agnes ay tila maamong kordero kaya laging pinupuri ng kanyang guro.

36. Mahangin ang ulo - mayabang
Halimbawa:
Mula nang manalo sa Lotto ang dating hardinero ay naging mahangin ang ulo ng mga anak nitong lalaki.

37. matalas ang ulo - matalino
Halimbawa:
Matalas ang ulo ni Cristina kaya nagtapos siya nang may karangalan Valedictorian at Magnacum Laude.

38. mahina ang loob - duwag
Halimbawa:
Ang taong mahina ang loob ay kailangan umiwas sa mga kaguluhan upang hindi manganib ang buhay.

39. malakas ang loob - matapang
Halimbawa:
Malakas ang loob nung pulis na lumaban at nakapatay ng apat na holdaper sa loob ng pampasaherong dyip.

40. makapal ang bulsa - mapera
Halimbawa:
Kilalang matagumpay na negosyante ang ama ni Renan kaya hindi nakapagtataka kung si Renan ay laging makapal ang bulsa.

41. makapal ang palad - masipag
Halimbawa:
Makapal ang palad ni Eduardo kaya umunlad ang kanyang buhay. Isa na siyang milyonaryo.

42. magdilang-anghel - magkatotoo sana
Halimbawa:
Hinahangad mong sana'y magwagi ako ng unang gantimpala, magdilang-anghel ka sana.

43. kapit-tuko - mahigpit ang hawak
Halimbawa:
Kapit-tuko ang secretarya sa kanyang posisyon kahit na nalulugi ang kompanya at malapit ng magsara.

44. kidlat sa bilis - napakabilis
Halimbawa:
Ang action star na si Cesar Montano ay kidlat sa bilis kung ang pinag-uusapan ay ang nga ginagawa niyang action movies.

45. kilos-pagong - makupad,mabagal
Halimbawa:
Mahuhuli na tayo sa General Meeting kilos pagong ka kasi.

46. mababaw ang luha - iyakin
Halimbawa:
Masyadong mababaw ang luha ng aking kaibigan, kahit drama sa radyo o pelikula ay iniiyakan.

47. mabigat ang dugo - di-makagiliwan
Halimbawa:
Aywan ko kung bakit mabigat ang dugo ng Lady Boss namin sa baguhang si Norma na isang probinsiyana.

48. maitim ang budhi - tuso, masama ang ugali
Halimbawa:
Maitim ang budhi ng lalaking iyan kung kaya't labas-masok sa bilibid sa loob ng sampung taon.

49. malikot ang kamay - kumukuha ng hindi kanya kawatan
Halimbawa:
Mag-ingat kayo sa lalaking iyan na kilalang malikot ang kamay. Mahirap na ang magsisi sa bandang huli.

50. malawak ang isip - madaling umunawa, maraming nalalaman
Halimbawa:

Malaking karangalan ang makausap ang taong malawak ang isip. Marami kang matututunan, marami kang malalaman.

81 comments:

  1. Thank you so much.. It helps me a lot.. :D

    ReplyDelete
  2. walang kwenta Papatayin kitah...

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehh di wow!!,buti nga maynatulong siya,kesa sayo naman hagang salita ka nalang

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. Kung walang kwenta at Kung walang Silbi sayo edi wow!!! Sayo walang kwenta at walang silbi Pero sa I a meron at malaki ang tulong nito sa ibang Tao Gaya ko! Manahimik ka nalang Kung walang kwenta at walang silbi sayo! Just Shut Up!!! 🤐 Shut your mout

      Delete
    4. duhh..it helps me a lot thank u :-)

      Delete
    5. you said a bad word

      Delete
    6. Uyy ano naman yan,bad yan tinuturuan na nga nagrereklamo pa,maiintindihan Rin ninyo yan paglaki niyo

      Delete
  3. thanks its help me to my assignments

    ^-^

    ReplyDelete
  4. thanks its help me to my assignments

    ^-^

    ReplyDelete
  5. holoo kuya bakit ganurn ang sawikain daw ay parang tula chuchu arghhh gulo kasi ng nagreport sa school eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang sawikain ay kasabihan o kawikaang may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang pahayag

      Delete
    2. Ang sawikain ay kasabihan o kawikaang may dalang aral na maaaring tumukoy sa isang idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal. Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Ang sawikain ay maari ring isang moto o mga parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinhagang pahayag

      Delete
    3. Ang sawikain ay grupo ng mga salita na mas nagpapalalim sa expression ng isang pangungusap. Baka salawikain ang ine report sa inyo. Ang salawikain ay isang grupo ng mga salita na madalas natin ginagamit bilang gabay sa ating pang araw araw na buhay. Bak nalito ka Lang! Sawikain at Salawikain!

      Delete
    4. Idioma rin po ba yan???😂hehehe😅

      Delete
  6. thank salamat po dito :) :) :) :)

    ReplyDelete
  7. Thanks a lot.....helpfull for my project thanks...:-)

    ReplyDelete
  8. Nice! This is really helpful to everyone.

    ReplyDelete
  9. thank you dahul na katulong sakin

    ReplyDelete
  10. Thank u dahil nakatulong naman kahit konti sa aking takdang aralin....

    ReplyDelete
  11. Thank u dahil nakatulong naman kahit konti sa aking takdang aralin....

    ReplyDelete
  12. Thank You Senpai he he 😂😂😂

    ReplyDelete
  13. Thank sa inyo dahil may assingment nako

    ReplyDelete
  14. salamat sa nagbigay nang halimbawa sa sawikain thank u

    ReplyDelete
  15. Thank You very much!! Dahil ditto nagawa ko assignment ko Pero sana dagdagan pa nila yung mga sawikain!

    ReplyDelete
  16. Wala na po bang ibang examples..
    May abo ang utak,ahas tulo,nagpasan ng krus,kabiyak ng dibdib,anak pawis,nag dildil ng asin..yan po. Pwedi po patulong. Salamat

    ReplyDelete
  17. THANK YOU SO MUCH FOR HELPING ME :D

    ReplyDelete
  18. thank you so much i already pass my assignment in filipino yeyyeyeyyeyeyeyeyeyye






























    ReplyDelete
  19. Thanks Po! 😊 Naka tapos na ako ng Homework! YASSSSS

    ReplyDelete
  20. Thank you Po.... Ang laki po ng naitulong nito sa report ko

    ReplyDelete
  21. Maraming s alamat po..thank you po

    ReplyDelete
  22. Thank you so much! it helped me a lot with my homework. I hope you can do more in the future

    ReplyDelete
  23. thank you so much tapos na ang pt ko hahaha

    ReplyDelete
  24. Tnx natapos kona anh reporting nmin tungkol sa idyoma��

    ReplyDelete
  25. Away pa Kayo may idudulot bayan

    ReplyDelete
  26. Salamat sa Mr.Homework,naka tapos na ako sa groupings namin <3

    ReplyDelete
  27. By the way guys,i wan't to you all subscribe to pewdiepie he is cool
    O-O
    -)*-*)- <(plss)

    ReplyDelete
  28. maraming salamat po sa mga halimbawa nyo may assignment nako


    ReplyDelete
  29. i dont like the sricb one because you need to sign up

    ReplyDelete
  30. oh and thank you again im the one commet that ^

    ReplyDelete