Tuesday, July 2, 2013

Mga Anyo ng Tula

Mga Anyo ng Tula

Uri Ng Taludtod

1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim
    na kahulugan .
2. Berso Blangko - tulang may sakto bagamat walang tugma
3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay
    siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga
    kabataan


Uri ng Tulang Tagalog

1. Tulang Liriko - Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.

Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:
     a. Awit –Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
         pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
     b. Soneto – Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may
         malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
     c. Oda – Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang
         masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.
     d. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y
         tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni
         Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.
     e. Dalit – Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

2. Tulang Pasalaysay - Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.
     a. Epiko o Tulang Bayani – Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi
         mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang
         epiko n mga Ilokano na “Biag ni Lam-ang.”
     b. Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang
         mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig
         mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay
         hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay “Ibong Adarna.”
     c. Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla
         ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng
         malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang “Florante at Laura.”

3. Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.

4. Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.
     a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa
         isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
     b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa
         tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa
         isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
     c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at
         pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain

         at mga kasabihan.

No comments:

Post a Comment