Buod ng
Kabanata 22 – Liwanag at Dilim
Ito ang araw ng pagdating ni Maria
Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng
bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya
lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra,
bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang
pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng
magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan.
Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay
nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni
Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay
dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang
mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong
sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa
kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong.
Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.