Alamat ng Paru-Paro
May isang diwatang may
napakapangit! Ang mukha niya’y mapula at kulobot. Ang mga mata’y singningas ng
apo. Ang saplot ay matandang kasuotan. May pulopot na basahan ang kamay. Siya’y
pilay kaya pahingkiud-hingkod kung lumakad.
Ang kanyang bahay ay nakatayo
sa magandang dalampasigan. Kaaki-akit ang kanyang tahanan dahil sa taglay nito
ang lahat ng kulay ng bahag-hari.Ang looban ay natatamnan ng sari-saring
halamanang namulmulaklak. Ang mga taong dumaraan panay papuri ang bukambibig.
Ang mga punong-kahoy ay may mga bungang nakakasilaw sa mata kung tamaan ng
silahis ng araw.
Isang umaga, isang batang
lalaki’t isang batang babae ang lumisan ng kanilang tahanan.Sila’y maralita at
hindi napasok sa paaralan. Sila’y nagging palaboy at walang tirahan. Sila’y
nagpapasasa sa hirap upang may makain.
Sa kabila ng lahat ng
kahirapan ang dalawa ay maligaya. Laging naibubulalas nila ang salitang,”Ang
lagit ay asul at ang bunkok ay lunti.” Sa pagtitig nila sa mga ibon at batis
sila’y nakakpagsalita ng, Matigas ang lipad ng ibon at ang lagaslas ng ilog ay
parang panaginip.” Ang mga nakikita nlang tanawin araw-araw ay sapat ng
magpatighaw sa pagnanasa nilang magkaroon ng magandang tirahan at perang
panakip sa pangangailangan.
Sila’y naglibot at naakita
ang bahay ng diwata.” Ligaya, masdan mo ang magandang bahay na iyon,” sabi ng
batang lalaki.
“Nakikita ko, Malakas,” ang
sagot. “May halamanan. Naaamoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak. Nakatatakam
ang mga bungang pinilakan at ginintuan na nangabitin sa sanga ng mga kahoy,”
ang dugtong pa.
“Tayo na pumasok sa
hardin,”ang alok ni Malakas.
“Walang tumitira rito,” ang
sagot ni Ligaya.
Binuksan ng dalawa ang
tarangkahan ng halamanan. Sa mga unang sandaali, sila,y hintakot nguni’t
lumagay ang loob ng malaunan. Walang umiino sa kanila. Sila’y namupol ng mga
bulakla. Si Malakas ay umakyat sa punong-kahoy. Nangain siya at pinatakaan si
Ligaya ng maatamisna bunga.
“Walang nakatira rito!”
“Oo,noong ako’y bata pa, may
isang mamamg nagkuwento sa akin tttttungkol sa lunang katulad nito. Huwag na
tayong umaalis,” Sabi ni Ligaya.
“Ako’y ulila ng lubos. Walang
maghahanap sakin,” Sabi ni Maalaakas,
“Gayon din ako,” sagot ni
Ligaya.
“Ako’y paalibot-libot upang
humanap ng trabaho upag may makain. Huwag na nating lisanin ang loobang ito.”
Naligayahan ang mga bata kaya
lumipas ang mga oras. Nakalimot sila kung saan sila naroon.
Sa-darating ang diwatang
galling sa dalampasigan. Siya’y hihingkod-hingkod. Siya’y langhap ng langhap
pagka’tmay naaamoy na ibang tao. Lalo siyang pumangit sa kapipisngot.
“Bakit kayo naaangahas
pumasok dito?” ang bungad na tanong. “Ano ang ginagawa ninyo?” patuloy pa.
Natakot sina Malakas aat
Ligaya. Sila’y nanginig sa takot.
“Bakit ninyo pinupol ang
aking mga halaman at kinain ang mga bunga? Sigaw ng matanda.
Naglakas loob na sumagot si
Malakas, “Mawilihin po kami sa bulaklak. Gusto po naming…gusto ang…mga prutas…”
“Bakit hindi muna kayo
humingi ng aking pahintulot? Mga pangahas!”
“Inaamin po amin an gaming
kasalanan. Kami po’y handing magbayad. Kami po’y mga ulila. Gawin po ninyo
kaming alila! Handa kaming magsilbi!”
Pinagulong-gulong ng diwata
ang kanyang mga mata.Piinakisay niya ang kanyang katawan, pinangiwi-ngiwi ang
mga labi at nag-isip.
“Nauunawaan ko. Pakikinabbangan
ko kayo.”
Siya’y bumulong ng mga
salitang maysa-engsekto at nammangha ang dalawang bata.Siya kapagkarakay ay
nagging isang maganndang diwata. Sila’y may tangang mahiwagang baston na may
nakakabit na bituin sa dulo.
Patakang nagsalita si
Malakas, “Oh, magandang diwata!”
Ibinaba ni Ligaya ang kanyang
mga kamaay na nakatakip sa kanyang mga matang nasilaw sa liwanag. Nakita niya
nang harapan aang diwata. Siya’y may taangang mga bagwis na yari sa bulaklak.
“Yayamang maawilihin kayo sa
buulaklak, kayo’y gagawin kong haaaardinero. Mula ngayon mahahagkan ninyo ang
aking mga bulaklak at maaaari kayong magpapasasa sa aking mga bunga!”
Dinantayan ng diwata ng
kaanyang mahiwagang baston ang dalawang bata at sa isang iglap sila’y
nagkapakpak. Sila’y nagpadapo-dapo sa mga halaman.
“Ako ngayo’y magandang
paru-paro!” sabi ni Malakas.
“Ako rin!” sang-ayon Ligaya.
“Masdan mo aking mga pakpak. Ittim,asul,lunti at kulay kahel!”
“Sa halamanang ito tayo
mabubuhay ng mahabang panahon!” sabi ni Malakas, “sapagka’t tayo ngayo’y mga
paruparo ng diwata!”
I-click ang link. Marami pang alamat dito: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng -alamat.html
Alamat ng Pagong
Nakakita nab a kayo ng
pagong? Ito ay isang uri ng reptilyang nabubuhay sa mga pook na dalatan o
katihan. Ang katawan nito ay nababalutan ng matigas na talukab na sa
biglang-tingin ay tila munting plato 0 batingaw; may apat na paa, maikling
buntot, mahabang leeg, at ulong sapad na lumabas-pumasok sa ilalim ng bao o
pinakatalukab na nasa kanyang likod. Ayon sa paniniwala, nagiging malilimutin
ang naglalarong pagong. Maaaring tama o mali ito, ngunit ang tiyak ay masarap
ang atay at itlog nito, na kasing linamnam ng kanyang alamat.
Si Gat Urong-Sulong ay
matanda na. Papalubog at patakip-silim na ang kanyang buhay, matapos niyang
landasin ang rurok ng kaningningan. Laos na ang dating kilabot at pangunahing
sandata ng Barangay Lumubog-Lumitaw.
Likas mandin na ang isang
bagay ay mahalaga kung ito’y pinakikinabangan; ngunit kung lipas na at walang
saysay, ano pa ang dahilan upang ito’y ingatan? At si Gat Urong-Sulong, na isa
nang inutil, ay nalimutan na ng barangay na kay tagal niyang minahal at
pinaglingkuran. Hindi marahil magkakagayon kung di maagang namayapa ang dating
puno ng barangay na si Lakan Dupil. Nagmistula siyang palaboy ng tadhana na
walang nais kumandili.
Isang maliwanag at
napakaganda ng gabi, ang buong Barangay Lumubog-Lumitaw ay nagdiriwang.
Ipinagbubunyi nila ang pag-iisang dibdib nina Lakan Alamid at Dayang
Matampuhin. Tanging si Gat Urong-Sulong ang nagmumukmok sa kalungkutan. Ang
babaing una at huli niyang minahal ay nagtaksil sa kanya at sumama kay Gat
Alamid na ngayon ay bagong lakan ng barangay. Iyan palang lalaki, masugatan man
ang puso at dibdib, ang lahat ay mababata at matitiis; ngunit kapag dangal niya
ang siyang nagkadungis sasabog ang lupa, babagsak ang langit!
At tinungo ni Gat
Urong-Sulong ang baybay-dagat. Matamlay na umupo sa ibabaw ng isang malapad na
bato. Ang mga larawan ng nakalipas ay isa-isang nagdaan sa kanyang gunita,
hanggang sa ang mga ito ay papanglabuin ng mga patak ng luha. Bigla siyang
napabuntung-hininga nang madama ng sarili ang masaklap na kasalukuyan. At nabuo
ang isangpasiyang mapait. Kung ang puso niya’y bigo at sawi sa pag-ibig, ang
lunas ay kagyat na pananahimik…! Humahalakhak at bumubulong ang hangin at ang
laot ng dagat ay kumakaway at nag-aanyaya ng kamatayan! “Patawarin mo ako
Bathala…!” usal ni Gat Urong-Sulong, “Tanging ito lamang ang lunas!” At siya’y
tumindig…lumakad! Kumalabusaw ang tinig… papalayo… papalayo… patungo sa laot ng
karagatan! Subalit atas mandin ng tadhana, biglang umugong ang kapaligiran,
yumanig ang lupa…! Lumindol…! “Ha-ha-ha…!” ani Gat Urong-Sulong, “Ilakas mo pa
at nang mamamatay kaming lahat…!” Tinugon siya nang biglang pagkiwal ng tubig!
Kamuntik na siyang bumaligtad nang siya’y bundulin ng isang nagsusumagsag na
munting alon! At sa dako pa roon ng dagat ay nakita niya na gumugulong, ang
nakasisindak at naglalakihang mga alon…patungo…patungo sa dako niya at sa
Barangay Lumubog-Lumitaw!
Umalikabok at uilandang ang
mga buhangin sa dalampasigan sa ginawang sagsag-takbo ni Gat Urong-Sulong!
Parang ibininit ng palasong tinungo niya ang barangay…sa dakong kinalalagyan ng
isang malaking gong. Sa nalalabi niyang lakas ay pinalo niya ang
gong…sunod-sunod, hataw-tunog, pandalas…mabilis! Ang “Pag-gong” na iyon ang
tanging lunas upang mapatalastasan ang lahat sa napipintong panganib.
Bawat lakbay-tunog ay
umalingawngaw sa buong barangay; sinagap at ipinagsalin-salin ng mga tambuli sa
lahat ang nakagigimbal nitong hatid-patalastas na nagbabayad ng “Madaling
Paglikas sa Burol!” Ang “Pag-gong” ni Gat Urong-Sulong ay patuloy…at patuloy
din ang paglikas sa burol ng libu-libong nilalang. Makalipas ang ilang saglit
ay bahagi na ng karagatan ang buong barangay nang sakmalin ito ng mga
rumaragasang dambuhalang alon! “Salamat kay Gat Urong-Sulong! Kung hindi sa
kanyang “Pag-gong” ay wala sinumang makaliligtas sa atin!”
Humupa na ang baha at
nagbalik na rin ang mga limikas. Subalit nawawala si Gat Urong-Sulong; nawawala
rin ang malaking gong. Sila marahil ay kapwa tinangay ng baha.
Nalutas ang paghahanap ng mga
tao nang isang araw ay makapansin sila ng mahiwagang hayop sa lugar na dating
kinalalagyan ng ging at ni Gat Urong-Sulong. Kataka-taka ang anyo ng hayop na
iyon na ang talukab sa likod ay mistulang larawan ng gong na nawala. Nagpasiya
ang Pandita ng barangay. “Ang mahiwagang hayop na ito ay tatawagin nating
‘Pagong’ mula ngayon, bilang pagkilala sa isang ulirang pagpapakasakit ng isang
dakilang puso.”
I-click ang link. Marami pang alamat dito: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html
Alamat ng Matsing
Sa mayamang kaharian, noong
unang panahon, ay may isang prinsesang ubod ng ganda. Siya ai si Prinsesa
Amapela na ang lahat ay humahanga sa taglay na kagandahan.
Ngunit sa likod ng kanyang
kagandahan ay napakasamang ugali.Ang prinsesa ay ubod ng sungit at suplada.
Napakataas ng pagtingin niya sa kanyang sarili.
“Ayoko sa mga taong pangit!
Palayasin sila sa palasyo!” ang palding sigaw nito sa tuwing makakakita ng
pangit sa palasyo.
Dahil sa prinsesa, ang lahat
lamang ng magaganda ang nakakapasok at nakakapagtrabaho sa loob ng palasyo. At
ang mga pangit ay itinaboy sa labas upang maging mga alipin at manggagawa.
Sa paglipas ng panahon,
dumating ang takdang araw sa pagpili ni Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. At
naghanda nga ang kaharian.Inimbitahan ang maraming maharlikang tao buhat sa
ibaaa’t ibang kaharian. Nagsidating din ang maraming makikisig na prinsipe,
upang ang isa sa sa kanila ay ang siyang mapangasawa ng ng prinsesa.
Di nagtagal, nagsimjula ng
mamilii si Prinsesa Amapela ng mapapangasawa. Ang lahat ng prrinsipe ay tumayo
sa kanyang harapan at nagbigay-galang. Isa sa mga prinsipe ang nagustuhan ng
prinsesa, at ito’y si Prinsipe Algori.
Si Prinsipe Algori ay isang
napakasipag na prrinsipe, na animo Adonis na namumukod tangi sa lahat ng
naroroon.Ngunit bago pa man napili ni Prinsesa Amapela ang makisig na prinsipe,
ay may nakita siya na napakapangit-pangit na prinsipe na nakatayo sa likuran
nito.
Hindi napigilan ng prinsesa
ang sarili.
“Sino ka? Hindi ka nahiya
saiyong sarili! Napakapangit mo! Lumayas ka rito at magbalik ka na sa kwebang
pinanggalingan mo!” ang bulyaw nito. Nabigla ang lahat sa nasal ng prinsesa.
“Siya ang aking napili! Si
Prinsipe Algori! Siya ang aking mapapangasawa,” ang agad na idinugtong nito
sabay turo kay Prinsipe Algori.
Masayang lumapit si Prrinsipe
Algori sa prinsesa at humalik sa kamay nito. Isa isa ng nag-alisan ang mga
nabigong prinssipe, ngunit nanatiling nakatayo sa harapan ang pangit na
prinsipe.
“Ano pa ang hinihintay mo!
Lumayas ka na! Ayaw kitang Makita!” ang muling bulyaw ng prinsesa na tila
nandidiri.
Malumanay na nagsalita ang
prinsipeng pangit, Hindi ako manghihinayang sa isang tulad mo. Kung ano ang
ganda ng iyong mukha ay siya naming kapangitan ng iyong ugali,” ang wika nito.
Bigla ay nagbago ang anyo ng
prinsipeng pangit. Ito ay nagging isang napakakisig na lalaki, higit kay
Prinsipe Algori.
Namangha ang lahat, sapagkat
ang pangit na prinsipe ay ang “Diyos pala ng Kakisigan.” Bumababa ang isang
kumpol ng ulap, at sumakay rito ang “Diyos na Kakisigan,” at tuluyan nang
lumisan.
Nanghinayang ang lahat lalo
na ang hari at reyna. Ngunit higit sa lahat, nanghnayang nang husto si Prinsesa
Amapela bagay na hindi niya pinahalata.
Agad na ikinasal ng hari sina
Prinsesa Amapela at Prrinssipe Algori. Ngunit matapos ang kasal, ganun na
lamang ang gulat ng lahat.
Ngayong mag-aswa na tayo
kailangan mong sumama sa aking kaharian, “ang wika ni Prinsipe Algori.
“Anong ibig mong sabihin?”
ang nagtatakang tanong ng prinsesa.
Bigla, nabago aang anyo ni
Prinsipe Algori. Ito ay naging kakaibang nilalang ng puno ng balahibo ang buong
katawan. Nagsigawan at nasindak ang lahat, lalo pa’t bigla na lang nabago ang
anyo ni Prinsesa A mapela. Nabalot din ito ng balahibo sa buong katawan, at
nagkaroon pa ng buntot.
Hindi makapaniwala ang lahat,
subalit huli na,.Dinala na si Prinsesa Amapela sa kagubatan ni Prinsipe Algori,
na siya palang “Diyos ng mga hayop sagubat.” At si Prinsesa Amapela ang
kauna-unahang matsing sa kagubatan. Ito ang nagging parrusa ng kanyang pagiging
suplada at mapagmataas.
Kaya dapat nating tandaan na
hindi natin dapat husgahan ang tao sa kanyang panlabas na anyo, dahil ang higit
na mahalaga ay ang tunay na pagkatao at pag-uugali.
I-click ang link. Marami pang alamat dito: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html