Friday, June 14, 2013

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 9-Mga Suliranin Tungkol sa Bayan


Buod ng
Kabanata 9-Mga Suliranin Tungkol sa Bayan

Nakatakdang kuhanin ni Maria Clara ang kanyang kagamitan sa kumbento ng araw na iyon. Hinihintay na lamang siya ni Tiya Isabel sa karwahe upang tuluyan na silang makaalis ng siya namang pagdating ni Padre Damaso. Nalaman ng huli ang kanilang pakay sa pag-alis at ito ay hindi minabuti ng pari. Bubulong bulong ito na umakyat papunta sa bahay ng Kapitan. Sinalubong siya ng Kapitan at inabot nito ang kamay upang magmano ngunit tinanggihan ito ng Pari. Bagkus ay sinabi kaagad nito na ang pakay niya ay makausap ng sarilinan ang kapitan. Dito ay sinabi niya na hindi dapat maglihim ng kahit ano pa man sa kanya si Kapitan sapagkat siya ang pangalawang ama ni Maria Clara. Dapat na ring itigil ang pakikipagmabutihan ng dalaga sa binatang si Ibarra. Sinabihan din nito na and Kapitan na hindi siya dapat maghangad ng kabutihan para sa kanyang mga kaaway. Nakumbinsi ng pari ang kapitan kaya't pagka-alis ng nito, pinatay ng Kapitan ang mga kandilang itinulos ni Maria Clara para sa paglalakbay ni Ibarra pauwi sa bayan ng San Diego. Sa kabilang dako, nagtungo naman si Padre Sybila sa kumbento ng Dominikano sa Puerta de Isabel II. Dinalaw niya ang matandang pari na may matinding sakit. Ibinalita niya dito ang mga nakaraang kaganapan, katulad ng pang-aaway na ginawa ni Padre Damaso sa bahay ni Kapitan Tyago. at ang pagpanig ng Tinyente diumano sa kapitan-heneral at pakikipag-alyansa kay Padre Damaso. Nakipagpalitan din ng saloobin ang matandang maysakit, at dito ay sinabi niya na ang pagtaas ng buwis ang dahilan ng pagkaubos nang kanilang mga kayamanan. Natututo na rin aniya ang mga Pilipino sa paghawak ng ari-arian.

5 comments: