Friday, June 14, 2013

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 8- Mga Alaala


Buod ng
Kabanata 8- Mga Alaala
Nakasakay si Ibarra sa kalesa at binabagtas ang kahabaan ng Maynila. Maganda ang panahon ng araw na iyon at ang tanawin sa paligid ay nakapagpabalik ng kanyang mga alaala. Ang kanyang namamasdan ay katulad pa rin ng dati na kanya nang nakita: mga kalesa at karumatang walang humpay sa pagbibyahe, salimbayan ng mga taong abala sa pangangalakal at kanya-kanyang gawain: may mga Europeo, Intsik, Pilipino; may mga lalaking kargador, ang iba ay kababaihan na nagtitinda ng prutas. Nanduon din ang mga tindahan at mga hayop na kasama sa paghahanapbuhay. Ang punong Talisay sa San Gabriel ay walang pinagbago, ang Escolta naman ay imbes na umunlad ay pumangit at walang kaayusan. Ang mga karwahe ay nagmamadaling ihatid ang mga kawani sa tanggapan at mga pari, kabilang na si Padre Damaso. Namataan naman siya ni Kapitan Tinong kung kayat binati siya nito. Napadako naman siya sa kalye ng Arroceros at naalala na minsan ay nahilo siya sa napakasamang amoy ng tabako. Napadaan din siya sa Hardin ng Botaniko at naikumpara niya ang mga napuntahan niyang hardin sa Europa. Ibayo ang ganda ng mga ito kaysa sa kanyang natutunghayan ngayon. Anupat ang buong Maynila ay walang pinag-unlad, bagkus ang mga gusali ay nilulumot lamang ng panahon. Sa patuloy na pag-iisip ay sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang gurong pari: 1) Ang karunungan ay matatamo kapag hinangad ng puso 2) Ang karunungan ay dapat linangin at isalin sa susunod na henerasyon 3) dapat lamang na magkaroon ng pakinabangan- kung ang mga kastila ay nanatili dito upang kuhanin ang yaman ng bansa, marapat lamang na ibigay naman ng bansang dayuhan ang karunungan at edukasyon.

14 comments:

  1. It was a good help for me becuz i need the summary of kabanata 8. Thank you :))

    ReplyDelete
  2. Thanks sa site na to. Semus na namin bukas. Makakapagaral na ako

    ReplyDelete
  3. Thanks sa site na to. Semus na namin bukas. Makakapagaral na ako

    ReplyDelete
  4. Gonna Commend this site

    ReplyDelete
  5. thanks for this site ...i heart you po......

    ReplyDelete
  6. Ano kayang magandang simbolismo dito?

    ReplyDelete
  7. thank you .magagawa ko na exam qu !

    ReplyDelete
  8. Wahhh thank you dito dahil dito nakahanap ako ng magandang buod!

    ReplyDelete
  9. Thankkksss mapapadali project ko🖤🖤🖤🖤

    ReplyDelete
  10. Ano ang mahahalangang pangyayari sa kabanata 8

    ReplyDelete