Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 42 - Ang Mag-asawang De Espadana
Lahat ay hindi mapanatag at nalulungkot dahil sa
pagkakasakit ni Maria Clara. Tumawag na ng doktor si Kapitan Tyago at ngayon ay
kasalukuyang pinagpipilian nila ni Tiya Isabel kung saan maglilimos: sa Krus ng
Tunasan na himalang lumaki, o sa Krus na Matahong na nagpapawis. Sa bandang
huli ay napagpasyahan ng dalawa na parehong lumisan ang mga ito upang gumaling
kaagad si Maria Clara. Dumating na ang doktor na si Tiburcio de Espadana at ang
kanyang maybahay na si Victorina. Nagmiryenda muna ang mag-asawa bago tingnan
ng 'doktor' ang kalagayan ni Maria. Kasama rin nila ang kamag-anak na si
Linares na dumating pa mula sa Espanya. Kasunod nilang dumating si Padre Salvi
at ipinakilala ng mag-asawa si Linares, nag-aaral ng pagka-manananggol sa
Espanya at pamangkin ni Don Tiburcio. (Dumating ito sa Pilipinas sa gastos na
rin ni Donya Victorina.) Nabanggit ni Kapitan Tyago na kadadalaw lamang ng
Kapitan Heneral sa kanilang tahanan. Lubos na nanghinayang ang ambisyosang
ginang at nahiling na sana ay nuon pa nagkasakit si Maria Clara disin sana ay
nakadaupang palad nila ang Heneral. Hinanap naman ni Linares si Padre Damaso
kay Padre Salvi, upang ibigay ang hatid niyang sulat mula sa Espanya.
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay pinuntahan nila si Maria na binabantayan ng
mga kaibigan nito. Sinimulang eksaminin ng doktor si Maria at sinabing maysakit
nga ito. Inirekomendang igamot kay Maria ang liquen at gatas, Jarabe de altea at
dalawang pildoras de Cinaglosa. Si Linares naman ay natulala at nabighani ng
husto kay Maria, na ipinakilala naman ni Victorina sa dalaga. Tila nagising pa
si Linares sa pagkatulala ng ibinalita ni Padre Salvi na dumating na si Padre
Damaso. Ang Pari ay hindi pa lubusang magaling ngunit inuna nitong gawin ang
pagdalaw kay Maria Clara. Ating ilarawan si Donya Victorina, na napagkakamalang
isang Orofea at may gulang na 45. Ikinakaila nito ang tunay na edad, bagkus ay
sinasabing siya ay 32 taong gulang lamang. Noong kabataan ng Donya ay masasabi
rin na maganda ito ngunit pangarp na nito talagang makapangasawa ng isang
mayamang dayuhan. Sa pamamagitan nito, siya ay mapapabilang sa alta-sosyedad at
titingalain din ng karamihan. Sa kasamaang palad, napangasawa niya ay isang
mahirap pa sa daga na Kastila, si Tiburcio. Sa edad nitong 35, higit pa itong
matandang tingnan kaysa kay Donya Victorina. Ito ay isang maralita at
mal-edukadong taga-Espanya na itinaboy ng kanyang mga kababayan sa Extremadura
at naging palaboy, hanggang mapadpad siya sa Pilipinas sakay ng barkong
Salvadora. Sapagkat hindi naman sanay sa byahe, labis siyang nahilo at
nahirapan sa kanyang paglalayag. Nabalian pa siya ng paa. Ika-15 araw na niya
mula ng dumating sa Pilipinas ng siya ay natanggap sa trabaho dahil na rin sa
mga kapwa Kastilang kanyang nakapalagayang-loob. Pinayuhan din siya ng mga ito
na magpanggap na lamang na mediko sa mga nayon na ang tanging puhuhan ay ang
kanyang pagiging Kastila. Dahil sa ala naman siyang alam sa anumang propesyon,
at hindi naman din siya nakapag-aral, lakas loob na lamang siya na nagpanggap
na doktor sa nayon. Ang totoo, dati lang siyang tagalinis at tagapagpa-baga ng
mga painitan sa pagamutan ng San Carlos sa Espanya. Ngunit pagdating sa
Pilipinas, naging ganap siyang isang doktor dahil na rin sa katangahan at
tiwala ng mga Indiyo. Nagsimula sa mababang paniningil hanggang sa tumaas ng
tumaas at naging kakompetensya pa niya ang mga totoong doktor. Nagalit ang mga
ito at isinumbong sa Protomediko de Manila. Napilitan siyang tumigil sa
panggagamot at nawalan na rin siya ng pasyente. Ngunit nakilala naman niya si
Donya Victorina at sila ay nagpakasal. Pagkatapos ng kasal, lumipat sila sa
bayan ng Sta Ana upang idaos ang kanilang pulu't-gata, at upang duon na rin manirahan.
Si Donya Victorina rin ang sumuporta sa kanyang asawa, ibinahay, binihisan at
ibinili pa ng mga karwahe. Ang kanyang pangalan ay ginawang Victorina delos
Reyes de Espanada. Binago na rin niya ang kanyang anyo upang maging mukhang
taga-Europa. Kinulayan nito ang mukha at nagpalamuti sa katawan. Makalipas ang
ilang buwan, siya kuno ay naglilihi at kailangan pa sa Espanya manganak upang
hindi matawag na rebolusyunaryo ang kanyang anak. Ngunit walang panganganak na
nangyari sapagkat ang Donya ay hindi naman talaga buntis. Lumapit na rin siya
sa mga hilot at manggagamot ngunit walang nangyari. Kung kaya't walang nangyari
sa ambisyon na makapunta sa Espanya ang ginang bagkus ay manatili sa tinubuang
lupa, na kung tawagin niya ay "lupain ng mga salbahe". Wala rin
siyang tiwala sa mga kapwa Pilipino kung kaya't humirang pa siya ng Kastilang
taga-pangasiwa ng kanyang mga ari-arian. Sa pagkabigo ng kanyang pangarap ay
pinagbuntunan ng ginang ang kanyang asawa, na pumapayag naman maging andres de
saya at taga-salo ng alburuto ng asawa. Mas mabuti na ang ganong kalagayan
kaysa naman ang mamalimos sa kalye. Inuutus-utusan din niya ito at may mga
pagkakataon na sinasaktan niya ito ng pisikal, na tinatanggap na lamang ng
lalaki. Pati ang kapritso ng ginang na magpagawa ng karatulang marmol na may
nakaukit na: DOCTOR DE ESPADAÑA, ESPECIALISTA EN TODA CLASE DE ENFERMEDADES.
Walang nagawa ang lalaki kahit labag sa kalooban nito na ianunsyo sa publiko na
siya nga ay isang manggagamot, sapagkat siya nga ay nagpapanggap lamang.
No comments:
Post a Comment