Buod ng
Kabanata 43- Mga Balak o Panukala
Halatang halata ang lubos na pag-aalala sa mukha ni
Padre Damaso at tuloy-tuloy itong pumasok sa silid ni Maria Clara. Nananangis
ang Pari at sinabi sa anak na hindi ito mamamatay. Lahat ay nagtaka sa
ipinakita ni Padre Damaso, hindi nila akalain na sa kabila ng magaspang nitong
ugali ay marunong pala itong umiyak at malambot ang kalooban. Naisip din nila
na mahal na mahal talaga ng pari si Maria. Pamaya-maya ay tumindig ang pari at
nagtungo ito sa silong ng balag upang managhoy. Nang naibsan ang damdamin ni
Padre Damaso ay sinamantala ito ni Donya Victorin at ipinakilala si Linares.
Sinabi ng huli na inaanak siya ni Carlicos, ang bayaw ni Damaso. Iniabot ni Linares
ang sulat at dito ay nakasaad na siya ay humahanap ng mapapangasawa at trabaho.
Madali lamang na matatanggap ang binata ayon kay Padre Damaso sapagkat ito ay
naging abogado sa Universidad Central. At sa mapapangasawa ay iminungkahing
kakausapin niya si Kapitan Tyago. Bagay naman na ikinalungkot ni Padre Salvi.
Sinadya naman ni Lucas si Padre Salvi upang isangguni ang marapat na katarungan
para sa kanyang kapatid. Umarte itong kaawa-awa at pilit na pinapatulo ang luha
upang mabaghan sa kanya ang pari. Sinabi nito na binigyan lamang siya ng
P500.00 ni Ibarra kapalit ang buhay ng kanyang kapatid. Hindi naman ikinatuwa
ng pari ang kaartehan ni Lucas kung kaya't pinagtabuyan niya iyon. Walang
nagawa ang oportunistang si Lucas kung hindi bumulong bulong at napahiyang
nilayasan ang pari
No comments:
Post a Comment