Buod ng
Kabanata 37 – Ang Kapitan Heneral
Ipinapakita sa kabanatang ito ng Noli Me Tangere ang
makataong pamumuno ng Kapitan Heneral, na siyang may pinakamataas na pwesto sa
lipunan ngunit hindi naghahari-hariang katulad ng mga prayle. Minarapat niyang
magkaroon ng pantay na katarungan para sa lahat. Buod. Naunang kinausap ng
Kapitan Heneral ang binatang nakagalitan ni Padre Damaso ng ito ay lumabas sa
kalagitnaan ng sermon. Inakala ng binata na siya ay sasamain ngunit pagkatapos
niyang makausap ang Kapitan Heneral ay nakangiti itong lumabas ng silid.
Sumunod niyang hinarap ang mga reverencia sa bayang iyon: sina Pari Sibyla,
Pari Martin, Pari Salvi at iba pang mga prayle. Nagpakita naman ng buong paggalang
ang mga pari sa pagyuko nila sa Kapitan. Binanggit din nila ang pagkakasakit ni
Padre Damaso kaya't wala siya sa araw na iyon. Sumunod namang humarap sa
Heneral sina Kapitan Tyago at Maria Clara. Pinuri ng Heneral ang katapangan
nito sa paggitna sa away ni Ibarra at Damaso, at ang pagbabalik ng hinahon ni
Ibarra dahil na rin sa kanya. Binanggit nito na dapat siyang gantimpalaan sa
kanyang ginawa, na tinanggihan naman ng dalaga. Kalaunan ay dumating na rin si
Ibarra upang makausap ng Heneral. Ipinaalala naman ni Padre Salvi na ang binata
ay excomulgado ngunit hindi ito pinansin ng pari at sa halip ay ipinaabot ang
pagbati kay Padre Damaso. Pagkatapos ay umalis ang mga pari na hindi naibigan
ang ipinakita ng Heneral. Malugod na binati ng Heneral si Ibarra at pinuri sa
ginawang pagtatanggol nito sa ala-ala ng kanyang ama. Sinabi rin ng Heneral na
kakausapin niya ang Arsobispo tungkol sa pagiging excomulgado ng binata.
Napansin ng Heneral na medyo nabalisa si Maria, kaya sinabi niyang nais itong
makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na
samahan siya nito sa paglilibot. Malalaman sa pag-uusap ng binata at Kapitan
Heneral na kilala ng binata pati ang pamilya ng Kapitan Heneral sa Espanya.
Ipinamalas din ng Heneral ang paghanga sa katalinuhan ni Ibarra bagamat
iminungkahi ng huli na mas makabubuting sa Europa siya manirahan sapagkat ang
kanyang kaisipan ay nararapat lamang sa kaunlaran ng ibang bansa. Magalang
namang tumanggi si Ibarra at sinabing higit na matamis ang mamuhay sa sariling
bayan. Ilang sandali pa ay binanggit ng Heneral kay Ibarra na kausapin si Maria
at inihabilin na papuntahin sa kanya si Kapitan Tyago. Umalis naman si Ibarra
upang puntahan ang katipan. Samantala, itinagubilin naman ng Heneral sa alkalde
mayor na protektahan si Ibarra upang maisakatuparan nito ang mga layunin ng
binata. Tumango naman ang Alkalde bilang pagsunod. Dumating naman si Kapitan
Tyago at pinuri ito sa pagkakaroon ng mabuting anak at mamanugangin.
Nagprisinta rin ang Heneral na maging ninong sa kasal. Samantala, si Ibarra
naman ay nagpunta sa silid ni Maria ngunit sinabi sa kanya ni Sinang na isulat
na lamang nito ang kanyang sasabihin dahil sa mga oras na iyon ay gumagayak
sila papunta sa dulaan.
No comments:
Post a Comment