Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 38 – Ang Prusisyon
Ang mga
kaganapan ay nakasentro sa idaraos na prusisyon at mga nakatakdang gawain ng
Heneral ng araw na iyon. Buod Ang mga paputok at sunod-sunod na pagtunog ng mga
kampana ay hudyat ng pagsisimula ng prusisyon. Lahat ng nakiisa ay may dala-dalang
mga kandila at parol. Ang prusisyon na iyon ay ukol sa mga santong sina San
Juan Bautista, San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De Alcala at ang
pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na
Hermano Tercero. Magkakasamang naglalakad ang Kapitan Heneral, mga kagawad,
Kapitan Tiyago, alkalde, alperes at Ibarra. Ang huli ay napilitang sumama dahil
na rin sa pag-imbita ng Heneral. Sa harap ng bahay ni Kapitan Tyago ay may
isang kubol na pagdarausan ng pagbigkas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng
bayan. Pinangungunahan ng tatlong sakristan ang pila ng prusisyon, na
sinusundan naman ng mga guro, mag-aaral at mga batang may dala-dalang parol na
papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin
sa sinumang maniksik o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na
namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon. Sa tapat ng
bahay ni Kapitan Tiago inihinto ang mga karo at andas ng mga santo. Isang
batang lalaking may pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang
lumabas upang simulan ang pagpupuri sa wikang Latin, Kastila at Tagalog.
Sumunod naman ay ang pag-awit ni maria at lahat ay nabighani sa ganda ng
kanyang tinig. Ramdam naman ni Ibarra ang pighating nararamdaman ng kanyang
katipan sa boses nito. Napukaw ang atensyon ng binata ng ito ay kausapin ng
Heneral tungkol sa hapunan kung saan kailangan nilang pag-usapan ang pagkawala
ng dalawang sakristan na sina Crispin at Basilio.
No comments:
Post a Comment