Buod ng
Kabanata 36-Ang Unang Suliranin
Isinasaad sa kabanatang ito ng Noli me Tangere ang
desisyon ng mga prayle na paghiwalayin sina Ibarra at Maria Clara pagkaraang
ma-exkomunikado ang binata. Walang abisong dumating ang Kapitan Heneral sa
bayan nila Kapitan Kapitan Tiyago kayat naging abala ang lahat sa paghahanda
upang maibigay ang nararapat na pag-istima sa panauhin. May nalalabi pang oras
upang makapag-gayak at ito ay sinamantala ng lahat maliban kay Maria Clara. Si
Maria Clara ay patuloy ang pagtangis dahil sa pagbabawal ng ama nito na
makipagkita kay Ibarra hanggat hindi ito ekskomunikado. Naging walang silbi ang
pang-aalo ni Tiya Isabel at Andeng sa dalumhati ng dalaga. Sinabi ng tiyahin na
maari silang sumulat sa Papa aty magbigay ng malaking limos upang mapawalang
bisa ang ipinataw sa binata. Si Andeng ay nagprisintang makagagawa ng paraan
upang magkausap ang magkatipan. Bumalik si Kapitan Tyago mula sa kumbento at
isiniwalat nito Kay Maria Clara ang desisyon ni Padre Damaso na sirain ang
nakatakdang pakikipag-isang dibdib nito kay Ibarra. Si Padre Sibyla ay nag-utos
naman na bawal nang tanggapin sa kanilang tahanan ang binata, at ang utang ng
kapitan na limampung libong piso ay hindi rin dapat bayaran, o ang kapalit nito
ay kamatayan ng kaluluwa sa impyerno. Ang mga bagay na ito ay hindi makayanang
marinig ni Maria kung kaya't lalo itong naghinagpis. Inalo naman ito ng ama at
sinabing may inilalaan ang kanyang pangalawang ama na si Padre Damaso- na isang
binatang kamag-anak nito at manggagaling pa mula sa Europa. Lalong nasindak ang
dalaga at pati si Tiya Isabel ay nagalit sa kapitan at pinagsabihan ito na
hindi parang damit na isinusuot ang magpalit ng katipan. Iminungkahi ni Tiya
Isabel na sulatan ng Kapitan ang Arsobispo ngunit sinalungat naman ito ng huli.
Sinabi niyang hindi sila nito pakikinggan kundi ang desisyon lamang ng mga
pari. Tinapos na nito ang usapan at hinarap ang paghahanda sa bahay. Pagkalipas
ng ilang oras ay dumating na nga ang Kapitan-Heneral at napuno na rin ang bahay
ni Kapitan Tyago ng mga panauhin. Si Maria naman ay pumasok sa loob ng silid at
taimtim na nananalangin ng pasukin ni Tiya Isabel. Sinusundo siya nito upang
harapin ang Kapitan Heneral sapagkat ipinapatawag ito. Sumunod naman ang
dalaga.
No comments:
Post a Comment