Buod ng
Kabanata 35- Mga Usap-usapan
Ang pangyayaring naganap sa
pananghalian ay naging mainit na usapan sa buong bayan ng San Diego. Karamihan
ay halos panig kay Padre Damaso sapagkat ayon sa kanila, hindi mangyayari ang
nangyari kung nagtimpi lamang si Ibarra. Si Kapitan Martin lamang ang tunay na
nakaunawa sa ikinilos ng binata, sapagkat walang sinuman ang hindi
makakapag-pigil kung ang ama ang lalalapastanganin. Ang mga matatandang babae
sa bayan ay nahihintakutan na hindi panigan ang pari sapagkat baka sila ay
mapunta sa impyerno. Tanging si Kapitana Maria ang nalugod sa ginawang
pagtatanggol ni Ibarra sa kanyang ama. Ang mga magsasaka naman ay nawawalan ng pag-asa
na hindi matuloy ang paaralan, na ang kahulugan niyon ay hindi pagkatuto ng
kanilang mga anak. Inihayag ni Don Filipo sa pag-aakalang hangad ni Ibarra na
tumanaw ng utang na loob ang taong bayan sa ginawang kabutihan at ng ama nito.
Ganunpaman, ala pa ring katwiran si Ibarra sapagkat laging ang tama ay ang mga
prayle. Isa pa, ang mga mayayaman at prayle ay may pagkakaisa, hindi katulad ng
taumbayan na watak-watak kung kayat mananalo ang mga pari. Kumalat ang
usap-usapan na tinawag nang Pilibustero ng mga prayle si Ibarra, hindi naman ito
madalumat ng mga mahihirap.
Thanks po sa mga buod
ReplyDeleteGg
ReplyDelete