Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 31 – Ang Sermon
Sinimulan ni Padre Damaso ang kanyang sermon mula sa
isang sipi sa Bibliya at nagsermon sa wikang Tagalog at Kastila. Ang kabuuan ng
sermon ni Padre Damaso ay pagpupuri sa mga banal na santo ng simbahan, ang
dapat tularan na sina Haring David, ang mapagwaging si Gideon, at si Roldan na
isang tapat na mananampalataya; at higit sa lahat ay ang panlilibak sa mga
Pilipino na binibigkas sa wikang Kastila kung kayat walang kamalay-malay ang
nakararami sa kahulugan ng kanyang mga sinasabi. Pinatutsadahan din ng Padre
ang lahat ng tao na kanyang hindi gusto upang ipahiya ang mga ito sa karamihan.
Sapagkat karamihan ng mga tao doon ay walang naiintindihan sa pinagsasasabi ng
Padre, hindi nila napigilang antukin at mapahikab, lalo na si Kapitan Tyago. Si
Maria at Ibarra naman ay palihim na nagsusulyapan at nangungusap ang kanilang
mga mata. Sinimulan na din sa wakas ni Padre Damaso ang misa sa wikang Tagalog.
Dito ay walang pakundangan na tinuligsa niya si Ibarra, bagamat hindi niya
pinangalanan ang kanyang inaalipusta ay mahahalata naman ng lahat na walang ibang
pinatutunguhan ang kanyang mga salita kundi si Ibarra lamang. Hindi naman na
natuwa si Padre Salvi sa nagaganap kung kaya't nagpakuliling na ito upang
maging hudyat kay Padre Damaso na tapusin na nito ang kanyang sermon. Ngunit
nanatiling bingi ang mayabang na pari at nagpatuloy pa ng kalahating oras sa
walang kwentang sermon at pag-alipusta kay Ibarra. Samantala, palihim naman na
nakalapit si Elias kay Ibarra habang tuloy ang misa. Binalaan ni Elias si
Ibarra na mag-ingat at huwag lalapit sa bato na ibabaon sa hukay sapagkat
maaari niya itong ikamatay. Wala namang nakapansin sa pagdating at pag-alis ni
Elias.
No comments:
Post a Comment