Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 30 – Sa Simbahan
Dito inilalarawan ni Jose Rizal ang kanyang pagtutol
sa mapanlait at mahahayap na ugali ng mga prayle noong panahong iyon. Bagamat
siya ay tumatangkilik sa relihiyon, hindi naman niya maatim ang mga kagaspangan
ng pag-uugali ng mga prayle. Inilalarawan din ang matapat na pagtangkilik ng
mga Pilipino sa relihiyong nakagisnan, kahit pa ang kapalit nito ay ang
kanilang kabuhayan. Buod: Dinumog ng lahat ang simbahan kung kaya't nagsiksikan
ang mga tao sa kabila ng init at iyakan ng mga bata. Bayad din ang misang iyon
para sa kabanalan ng lahat sa halagang P250. Ang paniniwala noon ay mas mabuti
ng magbayad ng mahal sa misa kaysa sa komedya sapagkat ang misa ay
makapagdadala ng kaluluwa sa langit, samantalang impyerno naman sa komedya.
Hindi naman sinimulan ang misa hanggat hindi dumarating ang alkalde mayor.
Sinadya naman ng alkalde na magpahuli, upang higit na mapansin ng lahat.
Nagsuot din ito ng limang medalya na sagisag ng kanyang tungkulin. Nang siya ay
dumating, naghanda na ang lahat upang makinig sa pagmimisa ni Padre Damaso.
Sinamantala naman ng Padre ang walang pakundangang paglibak sa pari na nagmisa
kahapon, si Padre Manuel Martin. Ipinangalandakan ng mayabang na padre na higit
siyang magaling magmisa kaysa Kay Padre Martin. Hindi ito nagsimulang
mag-sermon hanggat hindi ito tapos makapag-mayabang
No comments:
Post a Comment