Friday, June 14, 2013

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 22 – Liwanag at Dilim


Buod ng
Kabanata 22 – Liwanag at Dilim
Ito ang araw ng pagdating ni Maria Clara at ni Tiya Isabel sa San Diego upang mamalagi doon para sa pista ng bayan. Kumalat ang balita ng kanyang pagdating sapagkat kinagigiliwan siya lahat ng mga tao doon. Kumalat din ang madalas na pagkikita nila ni Ibarra, bagay na ikinagalit ni Padre Salvi. Napapansin naman ni Maria Clara ang pagbabago ng kilos at mga titig nito tuwing siya ay kaharap. Plano ng magkatipan na magkaroon ng piknik sa ilog kasama ang kanilang mga kaibigan. Iminungkahi ni Maria Clara na huwag ng isama si Padre Salvi sapagkat siya ay nababahala kapag ito ay nasa paligid niya. Hindi naman ito napagbigyan ni Ibarra dahil sa hindi ito magandang tingnan. Habang nag-uusap ang dalawa ay dumating naman si Padre Salvi kung kaya't nagpaalam na si Maria upang mamahinga. Inimbitahan ni Ibarra si Padre sa piknik at kaagad naman itong sinang-ayunan ng kura. Pagkalipas ng ilang oras ay umuwi na rin si Ibarra. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya ang isang lalaking humihingi ng tulong. Pinaunlakan naman siya ni Ibarra.


14 comments:

  1. bakit liwanag at dilim ang pamagat ng kwento?? explain

    ReplyDelete
    Replies
    1. kasi may tatlong pares ng liwanag at dilim dyan
      ang liwanag ay si maria clara at ang kanyang dilim ay si padre salvi kasi natatakot c maria clara sa ikinikilos ni pari salvi..... tapos ung padalwang pares naman ay... ang liwanag ay c ibarra tapos ang kanyang dilim ay si maria clara kasi nagtalo clang dalwa tungkol dun sa pagtanggi ni maria clara na isama si pare salvi....... at ang huling pares ay.... ang mga liwanag ay sina ibarra,maria clara,at padre salvi at ang kanilang dilim ay ang mga mamamayan dahil pinag chichismisan sila ng mga ito..... yan lang yung alam ko

      Delete
  2. Dahil yun ang ginawa na pamagat ni Dr.Jose Rizal

    ReplyDelete
  3. madalas na silang nagkikita ni ibarra at dahil kinutuban si maria clara sa titig ni padre salvi.

    ReplyDelete
  4. Urgh! Di ko maintindihan. Paano naging liwanag at dilim ang pamagat?! Magrereport na ako bukas. Huhu. I hate Rizal for this.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate Liwanag at dilim talaga ang pamagat sa Kabanata 22.

      Delete
    2. dont worry dear, Rizal hates you too

      Delete
  5. http://www.slideshare.net/gngjane/nmt-1-16433645
    (try, baka makatulong)

    ReplyDelete
  6. anoa ng nais iparating na mensahe sa atin ni rizal dito sa kabanata 22 a.s.a.p. po

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano ho ang nais iparating ni rizal dito sa kabanata 22??

      Delete
  7. Ano po ang aral na makukuha sa kabanatang Ito? At paano po maihahambing ang mga pangyayari sa kabanata, dto sa kasalukuyan? :'>

    ReplyDelete
  8. Sino sino po sina maria clara, ibarra, padre salvi at tiya isabel sa liwanag at dilim?

    ReplyDelete
  9. Kailangan ko ay yung buong kwento dahil gumagawa na ako ng script

    ReplyDelete