Noli Me Tangere
Buod ng
Kabanata 14 - Si Tasyo, ang Baliw o ang Pilosopo
Nang araw na iyon ay dumalaw din sa
libingan si Pilosopo Tasyo upang hanapin ang puntod ng kanyang asawa. Si Don
Anastacio ay kilala sa bansag na Pilosopo Tasyo, kilala ng lahat ng tao sa San
Diego sa kakaiba nitong personalidad. Lagi itong laman ng lansangan at lakad ng
lakad. Marami rin itong sinasabing pananaw tungkol sa pulitika at lipunan,
bagay na hindi nauunawaan ng karamihan kayat tinawag nila itong baliw. Matalino
ang matanda at matalinghaga kung manalita. Galing siya sa isang mayamang
pamilya at nag-aral ito sa unibersidad ng San Jose. Pinahinto ito ng kanyang ina
sa pag-aaral sa paniniwalang ang katalinuhan nito ang magiging dahilan upang
makalimutan ang Diyos. Minarapat din ng kanyang ina na mag-pari na lamang ang
binata, bagay ni sinuway naman ng Pilosopo at bagkus ay nag-asawa na lamang.
Pagkalipas ng isang taon ay nabiyudo ang Pilosopo at sa halip na mag-asawang
muli ay inilaan na lamang sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan na
nito ang minanang kabuhayan mula sa kanyang ina. Kapansin pansin ang kakaibang
kasiyahan sa mukha ni Pilosopo Tasyo sa kabila ng papadating na unos at
pagguhit ng matatalim na kidlat sa kalangitan. Matalinghaga rin ang kanyang
sagot sa mga taong nagtataka sa kanyang reaksyon, na ang bayo ang siyang
lilipol sa mga tao at hangad niya ang pagkakaroon ng delubyo na siyang lilinis
sa sanlibutan. Suhestyon din niya sa kapitan ang pagbili ng tagahuli ng kidlat
imbes na mga paputok at kwitis. Hindi rin nito sinang-ayunan ang pagpapatugtog
ng mga batingaw sapagkat mapanganib ito kapag kumukulog. Pinagtawanan naman
siya ng bawat makarinig. Tumuloy naman ang Pilosopo sa simbahan at doon ay
naabutan niya ang dalawang bata at sinabihan niya ito na kung maari ay umuwi
sila sa kanilang ina dahil ang huli ay naghanda ng isang espesyal na hapunan.
Bagay na bagamat natuwa ang mga bata ay tumanggi ang mga ito dahil na rin sa
tungkulin sa simbahan. Patuloy na naglakad lakad si Tasyo hanggang sa
makarating sa bahay ni Don Filipo at Aling Doray. Napag-usapan nila ang
pagdating ni Ibarra sa bayan at nabanggit ng Pilosopo na naramdaman niya ang
paghihinagpis ni Ibarra ng malaman ang sinapit ng kanyang ama. Sinabi rin nito
na isa siya sa anim na taong nakipaglibing sa ama nito. Napadako ang kanilang
usapan patungkol sa purgatoryo, isang bagay na hindi pinaniniwalaan ng Pilosopo
at pinaniniwalaan naman ng marami. Hindi man siya naniniwala dito ay
nirerespeto naman niya ang pananaw ng relihiyon na ito ay gabay upang ang tao
ay mabuhay ng malinis. Kalaunan ay nagpaalam na ang matanda at masiglang
masiglang lumakad palayo sa gitna ng matatalim na kidlat at dumadagundong na kulog.
No comments:
Post a Comment