Buod ng Kabanata 13 - Mga Babala ng Bagyo
Dumating si Ibarra sa San Diego at
kaagad na nagtungo sa sementaryo kasama ang kanilang matandang katiwala. Agad
nitong hinanap ang puntod ng ama na si Don Rafael. Ayon sa kanyang katiwala,
ang libingan ay tinamnan niya ng mga bulaklak ng adelpa at sampaga. Nasalubong
nina Ibarra ang sepulturero at tinanong nila ito ang libingan ng kanyang ama.
Pinagtapat naman ng sepulturero na itinapon ang bangkay sa lawa dahil sa
kabigatan nito at hindi na nailibing sa libingan ng mga Intsik, ang bagay na
pinag-utos ng kura paroko. Higit na ikinasindak ito ni Ibarra at ang matandang
katiwala ay napaiyak sa narinig. Sa matinding galit at poot ay iniwan ni Ibarra
ang kausap at ng makasalubong niya si Pari Salvi ay hindi nito napigilang
daluhungin ang pari. Humingi ng paliwanag si Ibarra sa pari kung bakit nagawa
nitong lapastanganin ang bangkay ng kanyang ama. Ipinaalam naman ng huli na ang
may kagagawan niyon ay si Padre Damaso.
No comments:
Post a Comment