Buod ng
Kabanata 40- Ang Karapatan at Lakas
Bandang ika-sampu ng gabi sinimulang sindihan ang mga
kuwitis na hudyat ng pagsisimula ng dula. Pinangasiwaan ni Don Filipo ang gabi
ng pista. Ng mga oras na iyon ay magkausap ang tinyente at si Pilosopo Tasyo
tungkol sa pag-ayaw ng Don sa kanyang tungkulin. Masama ang loob ng tinyente na
hindi tinanggap ng Kapitan ang kanyang pagbibitiw. Nagsidatingan na ang mga
malalaking tao sa bayan kung kaya't nagsimula na ang palabas na pinangunahan
nina Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Lahat ay nakatuon ang
pansin sa dula samantalang si Padre Salvi ay lantaran ang pagkakatitig kay
Maria Clara. Sinisimulan na ang ikalawang bahagi ng dula nang dumating si Ibarra.
Nakatawag pansin ito sa mga pari at hiniling kay Don Filipo na paalisin si
Ibarra. Tinutulan naman ito ni Don Filipo sapagkat malaki ang abuloy ni Ibarra
at higit siyang takot na suwayin ang utos ng Kapitan Heneral kaysa sa utos
nila. Sa inis ay umalis ang mga pari sa kalagitnaan ng dula. Ilang saglit pa ay
nagpaalam na rin si Ibarra sa mga kadalagahan lalo na kay Maria Clara upang
paroonann ang nalimutang tipanan. Nangako siya na babalik bago matapos ang
dula. Sa kalagitnaan ng dula ay may lumapit na dalawang gwardya sibil kay Don
Filipo at iniuutos na itigil ang dula dahil nabubulahaw sa pagtulog sina Donya
Consolacion at alperes. Hindi ito mapagbigyan ni Don Filipo kung kaya't
nagkaroon ng gulo. Nang pagtangkaang patigilin ang mga musikero, hinuli ng mga
kuwadrilyero sa tribunal ang dalawang gwardiya sibil. Nagkataon na nakabalik na
rin si Ibarra sa mga sandaling iyon at hinanap kaagad si Maria. Kumapit naman
kaagad ang sindak na dalaga sa mga bisig ni Ibarra habang si Tiya Isabel ay
naglitanya ng panalangin. Sa galit ng mga kalalakihan doon ay pinagbabato nila
ang mga gwardya sibil na huminahon lamang sa pakiusap ni Elias, na inabisuhan
naman ni Ibarra sapagkat wala silang magagawa ni Don Filipo sa bagay na iyon.
Ang pangyayari ay hindi nakaligtas sa pagmamanman ni Padre Salvi at ibinalita
rin ito ng kanyang tauhan. Sa kanyang pangitain ay nawalan ng malay tao si
Maria at si Ibarra ang kumarga sa dalaga. Sa ganoong pangitain ay nagmistula
itong baliw at nagtatakbo papunta sa bahay ni Kapitan Tyago upang makasiguro na
hindi totoo ang kanyang takot. Nakahinga lamang siya ng maluwag nang makita
niya ang anino nina Maria Clara at Tiya Isabel mula sa labas ng bahay ng
Kapitan. Umuwi na ito ng masigurong hindi kasama ng dalaga si Ibarra.
No comments:
Post a Comment