Saturday, June 15, 2013

Noli Me Tangere: Buod ng Kabanata 29 – Ang Kapistahan


Buod ng
Kabanata 29 – Ang Kapistahan
Umaga pa lamang ay handa na ang mga banda ng musiko upang magbigay saya at salubungin ang kapistahan. Sinabayan pa ito ng tunog ng kampana at mga siklab at pasabog ng paputok. Nagising ang mga tao sa bayan at nagsigayak na para makiisa. Ang taumbayan ay naghanda ng kanilang pinakamainan na kasuotan at mga alahas. Naghanda rin ng masasarap na pagkain ang bawat tahanan at hinahatak ang mga tao upang tikman ang mga ito. Taliwas ito sa ikinilos ni Pilosopo Tasyo, sapagkat ayon sa kaniya, paglulustay lamang ng pera at pakitang tao lamang ang pagsasaya sa araw na ito. Marami ang dapat na higit pagkagustasan ng may kabuluhan at marami ang hinaing ng bayan na hindi natutugunan. Sang-ayon si Don Filipo sa ganitong pananaw ngunit ala siyang lakas ng loob upang salungatin ang pari. Sa simbahan ay naghihintay na ang mga tao at mga tanyag na tao sa bayan. Si Padre Damaso naman ay itinaon ang sarili na magkasakit upang higit na makakuha ng importansya mula sa lahat. Inalaagaan siya ng taga-pangasiwa ng simbahan habng siya ay may sakit. Sinumulan ang mahabang prusisyon ng iba't-ibang santo bandang alas otso ng umaga. Kahit sa prusisyon ay ipinapakita ang pagkaka-iba ng antas o diskriminasyon sa lipunan kahit na ang mga nagpuprusisyon ay mga ginggon. Natapos ang prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tyago, na inaabangan naman nila Maria Clara, Ibarra at ilan pang mga Kastila.

No comments:

Post a Comment