Buod ng
Kabanata 28 – Sulatan
Ang
pagsusulatan ay isang kaugaliang Pilipino at ang paraan ng ligawan noong
kapanahunan ni Rizal. Buod. Katulad ng inaasahan, nalathala sa pahayagan sa
Maynila ang mga naganap sa kapistahan ng San Diego. Iniulat ang marangyang
kapistahan at mga tanyag na tao sa San Diego, pati na rin ang mga musiko, at
mga palatuntunang naganap. Kasama rin sa balita ang mga pari sa bayan, ang
komedyang naganap at mga mahuhusay nitong artista, na tanging mga Kastila
lamang ang nasiyahan sapagkat ang komedyang iyon ay idinaos sa wikang Kastila.
Ang mga Pilipino naman ay nasiyahan sa komedyang Tagalog. Hindi naman dumalo si
Ibarra sa mga palabas na iyon. Kinabukasan ay nagkaroon ng prusisyon para sa
mga santo at santa. Nagkaroon din ng misa na pinamunuan ni Padre Manuel Martin.
Nagkaroon din ng sayawan na pinangunahan ni Kapitan Tyago at Maria. Ikinayamot
naman ito ng huli. Sinulatan ni Maria si Ibarra sapagkat ilang araw na niya
itong hindi nakikita. Hiniling ng dalaga na siya ay dalawin at nagpaimbita ito
na imbitahan siya ni Ibarra sa pagpapasinaya ng binata ng bahay-paaralan.
No comments:
Post a Comment