Buod ng
Kabanata 20 – Ang Pulong sa Tribunal
Ang tribunal ang tanging bulwagan
na nagsisilbing lugar para sa pagpupulong at pag-uusap ng mga makapangyarihan
at mayayaman sa bayan. Panauhin noong araw na iyon sina Ibarra at ang guro.
Nahahati ang mga nasa pulong sa dalawang kinatawan o lapian: ang conserbador na
siyang pangkat ng mga matatanda na pinamumunuan ng Kabesa at ang liberal na
binubuo naman ng mga kabataan sa pamumuno ni Don Filipo. Ang mga paksa ng
pagpupulong na iyon ay tungkol sa gaganaping kapistahan labing-isang araw mula
sa araw na iyon, mga programa at aktibidad na gagawin para sa pista, at ang
pagtatayo ng paaralan para sa bayan. Sinamantala ng mga mayayaman sa bayan ang pulong
na iyon upang makapagtalumpati kahit na walang katuturan ang ibang mga
pinagsasabi. Katulad na lamang ni Kapitan Basilyo na nakalaban ni Don Rafael.
Sinalungat naman ito ni Don Filipo na nagmungkahi na bawat gawain ay dapat may
talaan ng mga gastos. Dapat din magpagawa ng isang malaking tanghalan sa plasa
at magtanghal ng palatuntunan tulad ng komedya sa loob ng isang linggo.
Binanggit din ni Don Filipo ang pagkakaroon din ng paputok upang maging lalong
kasiya siya ang pista. Hindi naman lahat ay sumang-ayon sa kanyang mungkahi.
Nagbigay naman ng panukala ang Kabesa na nagsabing marapat na tipirin ang
pagdiriwang, dapay ay wala na ring paputok at ang mga gaganap sa programa ay
dapat mga taal na taga San Diego. Ang sentro din ng pagtatanghal ay dapat mga
sariling ugaling Pilipino. Walang bisa ang mga panukalang inihandog ng
magkabilang pangkat sapagkat nakapagdesisyon na ang kura tungkol sa pista. Ang
mga gagawin ay anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at isang
komedya.
No comments:
Post a Comment