Buod ng
Kabanata 18- Mga Kaluluwang Naghihirap
Si Padre Salvi ay matamlay na
nagdaos ng misa ng araw na iyon. Abala ang mga matatanda sa bayan tungkol sa
nalalapit na kapistahan habang naghihintay na makausap ang Padre. Nais nilang
malaman kung sino ang magmimisa, kung si Padre Damaso ba or si Padre Martin o
ang coordinator? Napag-usapan ng mga matatanda ang tungkol sa pagbili ng
indulgencia para sa kaligtasan ng mga namatay na kaanak na patuloy na nagdurusa
sa purgatoryo. Ang isang indulgencia ay katumbas ng mahigit isang libong taon
na kaligtasan mula sa pagdurusa sa purgatoryo. Sa kanilang pagpapalitan ng kuro-kuro
ay hindi nila namalayan ang pagdating ni Sisa. May dalang handog si Sisa para
sa mga prayle. Nag-ani siya ng mga sariwang gulay mula sa kanyang mga tanim at
pako na paborito ng kura. Tumuloy na si Sisa sa kusina ng kumbento upang iayos
ang kanyang mga dala. Hindi man lamang siya pinansin ng mga sakristan at mga
tauhan sa kumbento. Sa huli ay nakausap ni Sisa ang tagapagluto. Napag-alaman
niya na maysakit ang pari at hindi niya ito makakausap. Nagimbal din siya sa
nalaman na si Crispin ay tumakas kasama ng kanyang isa pang anak pagkatapos
nitong magnakaw ng dalawang onsa. Alam na ito ng mga gwardiya sibil at
kasalukuyan itong papunta sa kanilang bahay upang hulihin ang kanyang mga anak.
Tinuya rin siya nito na hindi niya naturuan ng kabutihang asal ang magkapatid
at higit sa lahat ay nagmana ang mga ito sa kanyang walang kwentang asawa.
IT REALLY HELPS.......
ReplyDeleteTHANK YOU!!! May report kasi ako bukas... salamat!
ReplyDeleteBakit nagdurusa ang mga kaluluwa
ReplyDeleteThank you
ReplyDeleteMay report kasi ako bukas
Makakatulong to
Thank You may report din ako bukas
ReplyDeletebakit matamlay si padre salvi? at bakit pinamagatang mga kaluluwang nagdurusa? pahelp naman poh magrereport po kasi ako
ReplyDelete