Buod ng
Kabanata 11- Ang mga Makapangyarihan
Mabibilang lamang ang mga tao na
kinikilalang makapangyarihan o casique sa bayan ng San Diego. Katulad ito ng
Roma at Italya sa mahigpit na agawan sa kapangyarihan sa pamumuno sa bayan.
Hindi kabilang dito sina Don Rafael, Kapitan Tyago, at ilang namumuno sa
pamahalaan. Bagamat si Don Rafael ang pinakamayaman sa bayan, ang iginagalang
ng lahat at pinagkakautangan ng marami, hindi pa rin siya ang nagmamay-ari ng
kapangyarihan sa bayang iyon. Si Kapitan Tyago na may mga ari-arian din at
kabilang sa mataas na antas ng lipunan, sinasalubong ng banda ng musiko, at
pinagsisilbihan ng masasarap na pagkain ay walang posisyon sa lipon ng mga
makapangyarihan. Ang posisyon naman sa pamahalaan tulad ng gobernadorcillo o
kapitan sa bayan ay mabibili sa halagang P5,000 at madalas pa na kagalitan ng
alkalde mayor. Sino ba talaga ang makapangyarihan sa San Diego? Walang iba
kundi ang kura paroko sa simbahan at ang Alperes na siyang puno ng mga gwardiya
sibil. Ang kura paroko na si Padre Bernardo Salvi, ang batang pransiskano na
mukhang masasakitin at siyang pumalit kay Padre Damaso. Higit na may kabaitan
ito kumpara kay Padre Damaso, kung meron mang naging kabaitan ang huli. Ang
Alperes naman ay lasinggero, mapambugbog sa asawa at malupit sa kanyang mga
tauhan. Nakapag-asawa ito ng Pilipina, si Donya Consolacion, na mahilig
magkolorete sa mukha. Dahil sa agawang ito sa kapangyarihan ng dalawang
Kastila, natural lamang na may palihim na hidwaang nagaganap. Ngunit sa
publikong lugar ay ipinapakita ng dalawa ang kanilang pakunwaring pagkakasunduan.
No comments:
Post a Comment