Ang Alamat Ng Pinagmulan
Ng Lahi
Ayon sa matatanda, ang Bathalang lumikha
ng daigdig ay si Laor. Ayon sa paniwala ng marami ay amtagal siyang namuhay na
nag-iisa dito sa daigdig. Hindi malaunan at siya ay nakaramdam ng pagkalungkot
sa kanyang pag-iisa. Upang maiwasan ang ganitong pangyayari ay umisip siya ng
isang magandang paraan.
Isang araw ay naisipan niyang kumimpal
ng lupa upang gawing mga tao, sa gayon ay malulunasan ang kanyang mga
kalungkutan. Iniluto niya sa hurno ang lupang kanyang ginawa. Sa hindi malamang
sanhi ay nakalingatan niya ito, kaya't nang kanyang buksan ay maitim at sunog.
Ang lumabas na sunog ay naging nuno ng mga Negro at Ita. Hindi nasiyahan si
Bathala sa una niyang pagsubok. Kumuha uli siya ng lupa at hinubog na anyong
tao at isinilid sa hurno. Sa takot niyang ito'y masunog tulad ng una, hinango
agad sa kalan. Ang lumabas ngayon ay hilaw at maputi. Muling humubog si Bathala
ng lupa at iniluto sa hurno. Palibhasa'y ikatlo na niyang pagsubok ito, hindi
napaaga ni napahuli ang pagkakahango niya sa pugon. Hustong-husto ang
pagkakaluto ngayon at katamtaman ang kulay. Ito ang pinagmulan ng lahing
kayumanggi na kinabibilangan natin.
I-click
ang link. Marami pang alamat dito:
http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html
No comments:
Post a Comment