Ang Alamat ng Maya
Si
Rita ay batang lubhang malikot. Ang
kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng
batang katulad niya.
Isang
araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay.
Si Rita ay nanood sa kanyang ina.
Siya'y gutom na gutom sapagka't galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong
bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas. Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip
na bilao. Ngayon natakpan siya ng
bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo,
tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin
si Rita roon.
Nang
kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa
loob. Kumakain ng bigas ang ibong
iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang
tinatawag ngayong maya.
I-click ang link. Marami pang alamat dito: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html
I-click ang link. Marami pang alamat dito: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html
No comments:
Post a Comment