Showing posts with label eksistensyal. Show all posts
Showing posts with label eksistensyal. Show all posts

Friday, June 28, 2013

Pangungusap ayon sa gamit

Pangungusap ayon sa gamit

1. Mga pangungusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Halimbawa:
Mayroon daw ganito roon.

2. Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga.

Halimbawa:
Kayganda ng babaing iyun!

3. Mga sambitlang – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.

Halimbawa:
Aray!

4. Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Halimbawa:
Maaga pa.

5. Mga pormularyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino.

Halimbawa:
Magandang umaga po.