Ang Alamat ng Bayabas
Noong unang panahon, may
isang Sultan na lubos na kinatatakutan ng lahat. Sobra sa lupit ang nabanggit
na pinuno na tinatawag sa pangalang Sultan Barabas.
Marami na siyang pinapatay.
Hindi na rin mabilang ang pinakulong niya sa piitan. Lagi at lagging nangangamba
ang mga tao na sa maliliit na pagkukulang ay napakalaking parusa ang ipataw sa
kanila. Matanda man o bata ay takot na takot kapag nababanggit ang pangalang
Sultan Barabas. Para sa nakararami, ang Barabas ay kasingkahulugan ng kawalan
ng katarungan.
Hindi lamang malupit si
Sultan Barabas. May kayabangan din siya. Gusto niyang yumuyuko ang mga tao
kapag ipinatatawag niya.
Nais niyang isipin ng lahat
na lagi siyang nakatataas sa kanila. Ito ang dahilan kung bakit laging
nakasubsob ang korona niya sa makinang na korona. Ang nabanggit na korona ay
lagging suot niya saanman siya magpunta. Kahit sa pagtulog ay mahigpit na
yakap-yakap pa rin niya ang koronang lalong nagpapayabang sa katauhan niya.
Nangunguna rin sa kasakiman
si Sultan Barabas. Ang malawak na hardin niya na pinamumugaran ng iba’t ibang
prutas ay hindi niya pinapapasukan kaninuman. Gugustuhin pa niyang mangabulok
ang mga makopa, mangga, at chesa na bunga ng mga puno kaysa sa sinumang
maralitang kumamkalam na ang tiyan.
Ang kawalan ng katarungan ni
Sultan Barabas ay minsan na namang napatunayan. Ayaw na ayaw ng Sultan na gabi
na ay nasa lansangan pa ang sinuman sa kanyang mga nasasakupan. Isang
maningisda noon ang minalas ng abutan siya ng hatinggabi sa panghuhuli ng isda.
Sapagkat walang awa sa kapwa, pinadakip ni Sultan Barabas ang maningisda, at
pagkatapos ay patawarik na niloblob ito sa tubig, at ipinakulong pa ni Barabas
ang pobre.
Nakarating sa aswas ng
mangingisda na isang magdadaing ang balitang pagpaparusa at pagpapakulong. Dali
dali itong nagpunta. Kahit alam niyang natutulog pa ang Sultan ay pinuntahan
niya at kinatok an gang tirahan ng pinuno.
Galit na Galit na nagising
ang Sultan. Itinanong ng mayabang na pinuno kung sino siya. Sinabi ng kumakatok
na magdadaing ang aswa ng mangingisda at naroon siya upang ipakiusap na
pakawalan na ang ikinulong. Nagkibit balikat lang ang gahaman. Nang malaman ng
Sultan na ekspertong magdadaing ang nagmamakaawa ay nakaisip ng paraan ang
tuso. Lalo itong naggalit-galitan. Ipinatawag niya ang mga kawal at ipinakagat
sa mga langgam ang kaawa awng magdadaing bago ito ipinakulong sa piitan. Kahit
nakakulong ay natutuwa ang mag-asawa sapagkat sia ay muling nagkita. Upang
maging produktibong alipin ng Sultan, ang bawat isdang mahuhuli ng mangingisda
ay pinasusukaan agad sa magdadaing.
Bagamat maligaya ang
mag-asawa na kahit mga alipin ay magkasama, sumasagi rin sa kanila ang
kalungkutan kapag naaalala nila ang tagging anak na naiwan sa kailang tahanan.
Hindi alam ng mag-asawa na
habang wala sila sa tirahan may mga ada naming nagbabantay sa kaisa-isa nilang
mahal sa buahay na kahiy totoy na totoy pa sa kamusmusan ay marunong na ring
manindigan.
“Saan po ba naroon ang tatay
at nanay ko?”
“Nasa kaharian sila ni Sultan
Barabas. Pinaparusahan sila at ipinakulong sa mga kasalang hindi nila dapat
pagdusahan.”
“Tulungan po ninyo ako. Gusto
ko po sila makawala sa kulungan.”
Nang makita ng ada na
lumuluha ang kaisa -isang anak ng mangingisda at magdadaing ay naawa sila.Nang
gabi ring iyon ay inilawan nila ang daan ng inosenteng bata papunta sa
kaharian.
Ang mahimbing na pagtulog ng
Sultan ay lubhang nagambala ng malakas na katok ng bata sa pintuan ng kaharian.
“Sino ka at ganitong oras ng
gabi ay kumakatok ka sa palasyo ko?”
“Gutom na gutom na ako.
Hihingi ako ng pagkain sa mesang kainan mo.”
“At bakit sa akin ka hihingi
ng pagkain mo?” nagaalborotong tanong ng Sultan.
“Pinasisid mo sa dagat ang
ama kong mangingisda. Ang ina ko naman ay pinagdadaing mo. Sila ang dahilan
kaya marangyang-marangya ang iyong mesang kainan.”
“Lintik na bata ka!”
nanginginig sag alit na sigaw ng Sultan.” Ano ang karapatan mong himingi ng
anuman sa aking mesa?”
“Hindi ikaw ang nagpagod
upang mangisda atmagdaing. Mga magulang ko ang iyong inalipin. Sa anumang
kanilang itinanim, sila lang ang dapat na may anihin.?”
“Aba napakaliit mong bata ka,
akala mo kung sino ka. Hindi mo ba alam na Sultan akong dapat mong igalang?”
nangangalog ang babang sigaw ng gahaman.
Napansin ng bata ang makinang
na koronang naiwan ng Sultan sa higaan. Tinakbo niya ito at isinuot at
nag-iinsultong nagwika, ” Ang korona ay ipinapatong lang sa ulo ng lider na
mabuti sa tao. Msama ka ipinakulong mo ang ama at ina ko. Ngayon ako naman ang
habulin mo at ipakulong mo, “nangiinis na nagtatakbo sa loob ng palasyo ang
bata.
Sa sobrang galit ng Sultan ay
hinabol niya ng hinabol ang musmos.Hindi maabut abutan ang sukab ang inosenteng
bata sapagkat inililipad ito ng mga ada. Nakarating ang habulan sa malawak na
harding kinatataniman ng maraming punongkahoy. Sa sobrang pagod ay sumakit ang dibdib
ng Sultan na ikinatumaba niya. Noon din ay namatay ang Sultang walang
pagpapahalaga sa tunay na kahulugan ng katarungan.
Sa lugar na kinatumbahan
inilibing ang Sultan.
Ang kamatayan ng ganid na
dapat sana’y ipinagluksa ay ikinatuwa pa ng marami.
Ang humaliling Sultan ay
kakaiba sa namatay. Tinitimbang niyang mabuti ang bawat paratang sa sinumang
nagkakasala. Hindi rin siya padalos-dalos sa pagpapataw ng parusa. Sinisikap
niyang magbigay ng isang makatarungang pagpapasya sa kaso ng sinumang
nasasakupan niya mahirap man o mayaman. Para sa kanya ang lahat ay
pantay-pantay sa napipiringang katarungan.
Sapagkat totoong
makatarunagan, pinalaya at tinulungan ng bagong Sultang makapamuhay nang
matiwasay ang mangingisda at magdadaing. Binigyan niya ng krapatan ang
inosenteng bata na malayang makapupunta sa hardin upang mamitas ng anumang
prutas na kanyang piliin. Ipinagdiwang ng lahat ang panunungkulan ng
makatarungang Sultan.
Isang araw na naglilibot ng
hardin ng palasyo ang bagong Sultan ay nakatawag ng pansin niya ang isang
halamang tumubo sa pinaglibingan kay Barabas. Pinadiligan niya oito sa mga
hardinero at pinaalagaan araw-araw.
Ilang taon din ang nakaraan
at nagging malaking puno ang halaman. Nagtataka ang Sultan nang mamunga ang
puno sapagkat mukha itong ulo ng tao na may korona at tuktok.
“Si Barabas yan!”sigaw ng mga
tao. Nang tikman nila ang bunga ay nagulat sila.
“Pagkapait-pait! Kasimpait ng
ugali ni Barabas!”
Ilang araw lang ng lumipas ay
lumaki ang mga bunga ng berdeng prutas. Nang kagatin ng bata ay napangiwi sila.
“Pagkaasi-asim! Kasing asim
ng mukha ni Barabas!”
Hindi nagtagal, ang mga
berdeng bunga ay dumilaw at huminog na Napangiti ang lahat ng pitasin ang bunga
at kagatin.
“Pagkatamis-tamis!
Pagkasarap-sarap ng Barabas!”
Magmula noon, tinawag ng
Barabas ang berdeng prutas na may nakapatong na korona. Minsang nanungkit ng
berdeng prutas ang ilang paslit na bata at tanungin ng mga nakatatanda kung ano
ang tawag sa nabanggit na bunga ay sabay-sabay silang nagsisagot na, “Barabas,
Barabas, Bayabas!”
Diyan nagsimula ang alamat ng
Bayabas.
I-click ang link. Marami pang alamat dito: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html
Alamat ng Tandang
Si Sidapa na Bathala ng
Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa
kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang
susi upang hindi matuloy ang alinmang digmaan.
Sumisikat pa lang ang araw ay
nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang
mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
May mga pagkakataong hindi
kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag nangyari
ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.
Matutulis na sibat ang
karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa
labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.
Kapag napagkakasundo ni
Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang
nagbibigayan at may respeto sa isa’t isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa
na kapag may digmaan ay walang pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang
digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-usap ang lahat at naggagalangan.
Sa dami ng mga mamamayan,
datu at mga barangay sa bayan-bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain
kay Sidapa, kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina. Kailangan ding
may gigising sa kanya tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang
naghahain ng problema.
Isa sa mga sundalo ni Sidapa
ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras
na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa
ilang bisita, o oras nang magbigay desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na
Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang napakaaga tuwing madaling araw.
Noong unang mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag
napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising
kay Sidapa.
Mapagpasensya ang bathala
niya. Lagi itong pinagbibigyan ang Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho
ay dinadagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para
sa pamilya.
Tuwang-tuwa naman ang Sundalong
Orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay
natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita,
kunidi maraming alak na nagpapalasing sa kanya.
Sa pagkalasing ay naibalita
pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di
dapat na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang
naganap dahil hindi siya ginising ng Sundalong Orasan sa madaling araw.
Nang matuloy ang isang
madugong digmaan ng dalawang malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang
Sundalong Orasan.
Lasing na lasing ang
Sundalong Orasan nang humarap sa kanyang bathala.
“Ikaw ang dahilan sa madugong
digmaang sana ay naiwasan.”
“Pa…patawad po, Bathalang
Sidapa.”
“Pinagbibigyan na kita ng ulang
ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob.
Ang mga lihim pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat. Ang
obligasyon mong gisingin ako sa madaling araw ay hindi mo pinahahalagahan.
Bilang parusa , magiging isang hayop kang walang gagawin kundi gisingin ang
daigdig tuwing nagmamadaling araw!”
Sa isang kisapmata ang
Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan.
Naging pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay
tumilaok itong parang nanggigising.
Sa sobrang kahihiyan, lumipad
papalabas ng tahanan ni Sidapa ang Sundalong Orasan na magmula noon ay
tinatawag na Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang
nagpapaalalang siya ang unang tagagising ng sandaigdigan.
I-click ang link. Marami pang alamat dito: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html
Alamat ng Butiki
Noong araw, sa isang liblib
na nayon ay may mag-ina na naninirahan sa tabi ng kakahuyan.
Ang ina; si Aling Rosa ay
isang relihiyosang babae. Palagi siyang nagdarasal, at sinanay din niya ang
kanyang anak na lalaki na magdasal at mag-orasyon bago sumapit ang dilim.
Ang anak; si Juan ay isang
mabuti at masunuring anak. Palagi niyang sinusunod ang utos ng kanyang ina
tungkol sa pagdarasal. Bago dumilim, kahit saan sya naroon ay umuuwi siya upang
samahan ang ina sa pag-oorasyon sa tapat ng kanilang bahay.
Maagang namatay ang asawa ni
Aling Rosa, natutuwa naman siya at naging mabait ang kanyang anak na si Juan,
na nakatuwang niya sa pagtatanim at paghahanap ng mga makakain.
Sa paglipas ng panahon,
mabilis na tumanda si Aling Rosa, at si Juan naman ay naging isang makisig na
binata.
Si Aling Rosa an nanatili na
lamang sa bahay at palaging nagpapahinga, samantalang si Juan ay siyang
naghahanap ng kanilang makakain sa araw-araw. At kahit mahina na si Aling Rosa
ay hindi pa rin nila nakakalimutan ni Juan ang magdasal.
Minsan, habang si Juan ay
nangunguha ng bungangkahoy sa gubat, isang babae ang kanyang nakilala; si
Helena.
Si Helena ay lubhang
kaaki-akit, kung kaya’t agad umibig dito si Juan. At dahil sa panunuyo ni Juan
kay Helena, gabi na ito nang makauwi.
“O anak, ginabi ka yata ng
uwi ngayon. Hindi mo na tuloy ako nasamahang mag-orasyon,” ang wika ni Aling
Rosa sa anak.
“Pasensiya na po, Inay!
Nahirapan ho kasi akong maghanap ng mga prutas sa gubat,” ang pagsisinungaling
ni Juan.
Dumalas ang pagtatagpo ni
Juan at Helena sa gubat. Nahulog ng husto ang damdamin ni Juan sa dalaga.
Hangang minsan, nabigla si Juan sa sinabi ni Helena.
“Hanggang ngayon ay hindi ko
pa nararamdaman na tunay ang pag-ibig mo sa akin, kaya nagpasya ako na ito na
ang huli nating pagkikita.”
“Ngunit, bakit? Sabihin mo,
paano ko mapapatunayan sa iyo na tunay ang aking pag-ibig. Sabihin mo at kahit
ano ay gagawin ko,” ang pagsusumamo ni Juan.
“Maniniwala lamang ako sa
pag-ibig mo, kung dadalhin mo sa akin ang puso ng iyong ina na nasa iyong mga
palad!” ang matigas na wika ni Helena.
Hindi makapaniwala si Juan sa
narinig. Malungkot itong umuwi dahil binigyan siya ng taning ni Helena.
Kailangan niyang madala ang puso ni Aling Rosa bago maghatinggabi
Nang dumating si Juan sa
kanilang bahay ay agad siyang niyaya ni Aling Rosa na mag-orasyon. Nagtungo ang
mag-ina sa harap ng kanilang bahay. Ngunit habang nagdarasal iba ang nasa isip
ni Juan. Naiisip niya ang pag-iibigan nila ni Helena. At bigla, hinugot ni Juan
ang kanyang itak at inundayan si Aling Rosa sa likod. Bumagsak sa lupa ang ina
ni Juan, at kahit nanghihina na ay nagsalita ito.
“Anak, bakit? Ngunit anupaman
ang iyong dahilan ay napatawad na kita. Ngunit humingi ka ng tawad sa Diyos!
Napakalaking kasalanan ang nagawa mo sa iyong sariling ina,” ang umiiyak na
wika ni Aling Rosa.
“Dios ko po, Inay! Patawarin
n’yo ako!” ang nagsisising nawika ni Juan na nagbalik sa katinuan ang isip.
Umiyak nang husto si Juan lalo na nang pumanaw ang kanyang ina.
Kasabay niyon ay bigla na
lamang nagbago ang anyo ni Juan. Siya ay naging isang maliit na hayop na may
buntot. Si Juan ay naging isang butiki; ang kauna-unahang butiki sa daigdig.
Mula sa malayo, natanaw ni
Juan si Helena na papalapit. Nasindak si Juan nang makita niyang si Helena ay
naging isang napakapangit-pangit na engkanto. Humalakhak itong lumapit.
Sa takot, dagling gumapang si
Juan papanhik ng bahay hanggang makarating sa kisame.
Nakita rin ni Juan ang
engkanto, sa labis na katuwaan ay naging iba’t ibang uri ng kulisap at insekto,
at naglaro sa paligid.
Agad na pinagkakain ng
butiking si Juan ang mga kulisap na napagawi sa kanya. At dahil doon ay hindi
na nakabalik sa dating anyo ang engkanto, at nagtago na lamang ito sa mga
halamanan bilang kulisap.
Nagsisi ng husto si Juan
ngunit huli na. At bilang pag-alala sa kanyang ina, sinasabing si Juan at ang
sumunod pa niyang lahi ay patuloy na bumababa sa lupa bago dumilim upang
mag-orasyon.
At haggang sa ngayon nga ay
patuloy pa ring pinupuksa ng mga butiki ang mga kulisap na sa paniniwala nila
ay mga engkanto.
I-click ang link. Marami pang alamat dito: http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/mga-halimbawa-ng-alamat.html