Pang-uri
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang
isang pangngalan, karaniwang sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular
ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang pangngalan o panghalip.
Apat na Kayarian ng
Pang-uri
1. Payak - Ito'y binubuo ng salitang-ugat lamang.
Halimbawa:
hinog, sabog, ganda,
palit,sabay,nood,larawan
2. Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga
panlaping Ka-, ma-, main,-hin, -in, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-,
sim-, -sin, at kay-.
Halimbawa:
kabataan, katauhan,
tag-ulan, tag-init
3. Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng
buong salita o bahagi ng salita.
Halimbawa:
pulang-pula,
maputi-puti, dala-dalawa, halo-halo, ihaw-ihaw, pita-pita, sinu-sino,
4. Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang
pinagtatambal.
Halimbawa:
ningas-kugon,
ngiting-aso, kapit-tuko, silid-aklatan, bahay kalinga, dapit-hapon