Showing posts with label Buod ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Show all posts
Showing posts with label Buod ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Show all posts

Tuesday, July 2, 2013

Noli Me Tangere: Mga Tauhan

Mga Tauhan ng Noli me Tangere

Crisostomo Ibarra
Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.

Elias
Piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.

Kapitan Tiyago
Mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.

Padre Damaso
Isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.

Padre Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.

Maria Clara
Mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso

Pilosopo Tasyo
Maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.

Sisa
Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.

Basilio at Crispin
Magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Alperes
Matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego

Donya Victorina
Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.

Donya Consolacion
Napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.

Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.

Linares
Malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.

Don Filipo
Tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin; ama ni Sinang

Señor Nol Juan
Namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.

Lucas
Taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.

Tarsilo at Bruno
Magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.

Tiya Isabel
Hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.

Donya Pia
Masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.

Iday, Sinang, Victoria,at Andeng
Mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego

Kapitan-Heneral
Pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.

Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.

Don Saturnino
Nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.

Mang Pablo
Pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.

Kapitan Basilio
Ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin

Tinyente Guevarra
Isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.

Kapitana Maria
Tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.

Padre Sibyla
Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.

Albino

Dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

Thursday, June 13, 2013

Buod ng Noli Me Tangere ni Jose Rizal

Photo courtesy of voicepoints.blogspot.com

Nobela ni Dr. Jose P. Rizal
Mula sa Europa ay umuwi ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra matapos mag-aral ng pitong taon. Si Ibarra ay ang katipan ni Maria Clara, anak ni Kapitan Tyago.

Magiliw na tinanggap ng bayan ng San Diego ang binatamg hinahangaan sa kanyang talino at puso sa mga kababayan, gayundin marahil sa pagmamahal ng bayan sa kanyang yumaong ama.

Nagdaos ng hapunan si Kapitan Tyago para sa pagbabalik ni Ibarra, naroon ang mga kilalang personalidad sa bayang iyon, ang mga pinuno ng pamahalaan at ng simbahan. Naroon din ang Praileng Pransiskano na si Padre Damaso.

Mababakas ang malamig na pagtanggap na Padre Damaso. Kapuna-puna rin ang panghahamak niya rito makalawang beses habang nagkukwentuhan sa hapag-kainan na pinalipas na lamang ng maginoong binata at sa halip ay nagpasya umuwi na lamang sa pagdadahuilang may mahalagang bagay pa siyang gagawin.

Kinaumagahan ay nagpasya ang binata na dalawin ang kasintahang si Maria Clara at doon ay muli nilang ginunita nag kanilang pagmamahalan. Si Maria Clara ay larawan ng isang dalagang Pilipina na mapagmahala sa magulang, mahinhin, maganda at maka-Diyos.

Sa pag-uwi ng binata ay nakausap niiya si Tenyente Guevara, at ditto napag-alaman ang dahilan ng kamatyan ng kanyang ama na si Don Rafael, ang pinakamayamang Asendero sa kanilang bayan.

Nalaman niya kung paanong idiniin ni Padre Damaso si Don Rafael sa kasalanang hindi niya sinasadya. Ito ay matapos na maipagtanggol niya ang isang bata sa kamay ng isang kubrador na kastila na nananakit sa bata. Nang magtangka ang kastila ay naitulak niya ito na siyang ikinabagok ng kanyang ulo at sanhi ng kanyang kamatayan.

Nabilanggo si Don Rafael sa iba’t-ibang kasong isinakdal sa kanya. Siya ay nagkasakit sa bilangguan at namatay. Iniutos ni Padre Damaso na ipahukay ang kanyang bangkay at ilipat sa libingan ng mga Intsik. Dahil umuulan noon ay hindi na nagawang ilipat ng libingan ang matanda at sa halip ay ipinasyang itapon na lamang ng tagapaglibing sa lawa ng Laguna.

Hindi na naghiganti ang binata matapos marinig ang pangyayari sa kanyang ama sa haliup ay ninais niyang ipagpatuloy na lamang ang mabuti nitong gawa ng magpasya siyang magpatayo ng paaralan na moderno at katumbas nang nasa bansang Alemanya.

Isang lalaki ang sinuhulan upang pagtangkaan si Ibarra sa araw mismo ng pagbabasbas ng batong panulukan ng kanyang paaralan. Nailigtas ni Elias si Ibarra at ang lalaking nasuhulan ang nahulugan ng bato na siyan itong kinamatay.

Sa hapag-kainan kung saan naroroon ang mga panauhin ni Ibarra ay muling hinamak ni Padre damaso ang kanyang ama na siyang naging dahilan ng kanyang galit. Sinunggaban niya ang pari at tinutukan niya ng kutsilyo subalit naawat siya ni Maria Clara.

Naging eskomulgado angb inata o itinawalag siya ng Arsobispo ng simabhan sa pangyayaring iyon. Dahil dito ay hiniling ni Padre Damaso kay Kapitan Tyago na ipakasal si Maria Clara sa isang kastilang nagngangalang Linares sa halip na kay Ibarra.

Ikinasama ito ng kalusugan ni Maria Clara. Ilang araw din siyang naratay sa karamdaman.

Nilakad ni Ibarra ang pagkawalang bisa ng pageskomulgado sa kanya at sa tulong ng Kapitan Heneral ay binawi ng Arsobispo ito at muli siyang tinanggap sa simabahan. Hindi pa ganap ang kasiyahan ni Ibarra ay nadawit na naman siya sa isang kaguluhang ibinintang s akanya matapos looban ang kwartel ng sibil, walang katibayang siya ang namuno rito kung kayat binalewala ang bintang na ito sa kanya. Kinausap siya ni Elias upang pamunuan ang pag-aalsa sa mga kastila ng taong bayan subalit tumanggi siya at nagsabing hindi siya naniniwala sa gayong paraan.

Gayunman, muli siyang nasangkot ng gamitin ang sulat niya kay Maria Clara bago siya tumungo sa Europa kahit wala naman talagang kaugnayan ito sa mga paghihimagsik na nagaganap sa bayan.

Nakatakas si Ibarra sa kulungan sa tulong ni Elias. Naganap ito habang nangyayari ang hapunan sa bahay ni Kapitan Tyago. Ang hapunang iyon ay ukol sa pag-iisiang dibdib ni Linares at Maria Clara.

Sinadya ng binata si Maria Clara bago ito tuluyang tumakas, sinumbat ng binata kay Maria Clara ang pagkakanulo nito sa kanya sa pag-aabot ng sulat sa hukuman subalit itinanggi ito ni Maria Clara at sinabing siya ay tinakot lamang. At ang mga sulat ay naging kapalit ng 2 sulat na ginawa ng kanyang ina bao pa siya pinanganak. Ang mga sulat na iyon ay natagpuan ni Padre Salvi, sulat na nagpapatotoo na si Maria Clara ay anak ng kanyang ina kay Padre Damaso.

Inihayag din niya ang kanyang labis na pagmamahal sa binata kahit siya ay papakasal kay Linares.

Sakanilang pagtakas sa tulong ni Elias, pinahiga niya si Ibarra sa bangka at tinabunan ng damo, binagtas nila Ilog Pasig hanggang sa marating ang lawa ng Laguna. Naabutan sila roon ng mga sibil, upang iligtas ang binata ay lumukso si Elias sa tubig at doon siya napaulanan ng bala. Nangmamula ang lawa ay iniwan sila ng sibil sa pag-aakalang ang kanilang napatay ay ang binatang si Ibarra.

Nang mabasa ni Maria Clara sa pahayagan ang di umano’y sinait ng kanyang kasintahan ay hiniling nitos a kanyang ama na si Padre Damaso na payagan siyang magmongha kung hindi ay magpapakamatay siya.

Matapos ay ikalawang araw ay sinapit ni Elias ang maalamat na bundok ng mga Ibarra, nochebuena noon, sugatan at naghihingalo, humarap siya sa silangan at waring nagdadasal na binigkas


“Mamamatay akong hindi nasisilayan ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan, Kayong makakakita, batiin ninyo siya at huwag kalimutan ang mga taong nabulid sa dilim ng gabi.”