Friday, July 5, 2013

Mi Ultimo Adios - Dr. Jose Rizal

Ang Mi último adiós o Huling Paalam ay isang tulang likha ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Isinalin ang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila sa mga pangunahing wika ng daigdig tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Nippongo, Malayo, at marami pang iba. Gayon din, naisalin din ito sa iba’t ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuanon, Hiligaynon, at iba pa.

Kasaysayan ng Tula
Hindi matiyak kung kailan isinulat ni Jose Rizal ang kahuli-hulihan ang tulang ito. Ayon sa tradisyunal na paniniwala, sinasabing isinulat ito ni Rizal ng gabi ng bisperas ng pagbaril sa kanya, Disyembre 29, 1896. Ngunit ayon sa mga tala, si Rizal ay maraming ginawa noong mga huling araw ng kanyang buhay. Marami siyang tinanggap na bisita: ang kanyang mga kapatid, ang asawang si Josephine Bracken at ang mga prayleng humihimok sa kanya na isagawa ang pagbawi o retraksyon. Sinasabi pang ibinigay niya ito sa kapatid niyang si Trinidad na dumalaw sa kanya noong hapon ng Disyembre 29. Samakatuwid ay hindi niya isinulat ang tula kinagabihan ng bisperas at mismo noong araw ng kanyang pagbaril.
Hindi pinangalanan ni Rizal ang tula. Bunga ito ng kaliitan ng papel na kanyang pinagsulatan na may sukat lamang na 15-1/2 sentimetro at 9-1/2 sentimetro ayon kay Mauro Garcia. Nawalan ng sapat na espasyo ang papel kaya't ito'y hindi na nalapatan pa ng pamagat bukod sa kailangan talagang liitan ni Rizal ang pagsusulat niya sa tulang may 14 na saknong na nasusulat sa wikang Kastila.
Si Mariano Ponce ang kauna-unahang naglagay ng pamagat sa tula na tinawag na "Mi Ultimo Pensamiento" nang iyo'y kanyang ilathala sa Hong Kong noong Enero 1897. Sa tulong ni Jose Maria Basa ay ipinakalat ni Ponce ang tula at ipinamigay sa mga kababayan at kakilala ang mga sipi nito.
Si Padre Mariano Dacanay ang naglapat ng Mi último adiós bilang pamagat ng nasabing tula noong ito'y kanyang matanggap at mabasa habang siya'y nakakulong sa Bilibid, Maynila. Ang kanyang ginawang paglalapat ay inilathala sa pahayagang "La Independencia" noong Setyembre 1898.
Ang orihinal na sipi ng tula na ibinigay ni Rizal sa kapatid niyang si Trinidad ay napapunta naman kay Josephine Bracken. Dinala ni Josephine ang tula ng magpunta siya sa Hong Kong. Nang mamatay si Josephine ay nawala ang orihinal na kopya. Ito'y hinanap ng Pamahalaan ng Pilipinas at natagpuan sa isang taong tagaroon na humingi ng kaukulang bayad (1000 piso) upang ibigay niya ito sa pamahalaan. Nagbayad nga ang pamahalaan at ito ay naibalik sa Pilipinas.
Naisalin ang tula sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapampangan ni Monico Mercado noong Enero 1897 at ang sa Tagalog naman ay si Andres Bonifacio. Ilan naman sa mga tanyag na salin ng tulang ito sa wikang Tagalog ay isinagawa nina Pascual H. Poblete at Julian Balmaceda. Sa mga dayuhang wika naman, una itong nasalin sa Aleman samantalang may mahigit na 25 salin ang tulang ito sa Ingles.
Noong taong 1899, habang nagaganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay pinag-uusapan sa Kongreso ng Amerika kung makatwiran bang sakupin ang Pilipinas. May nagpanukalang dapat upang mabigyan ng edukasyon ang mga "barbarong" Pilipino. May isang kinatawan ang tumutol at binasa ang Huling Paalam ni Jose Rizal (salin sa wikang Ingles ni Charles Derbyshire na pinamagatang "My Last Farewell") upang patunayang hindi barbaro ang mga Pilipino (dahil sa galing ng pagkakasulat ng tula) at lalong hindi dapat sakupin ang Pilipinas.

HULING PAALAM
ni Dr. Jose P. Rizal

This is a Tagalog translation by Andres Bonifacio of the poem Mi Último Adios (My Last Farewell) originally written in Spanish by Filipino national hero Jose Rizal.

Huling Paalam
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
Lupang iniirog ng sikat ng araw,
mutyang mahalaga sa dagat Silangan,
kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw.

Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging maringal man at labis ang alindog
sa kagalingan mo ay akin ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluwag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahahapis.

Saan man mautas ay di kailangan,
cipres o laurel, lirio ma'y patungan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas
na sa Silanganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod ng luksang nagtabing na ulap.

Ang kulay na pula kung kinakailangan
na maitina sa iyong liwayway,
dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang
ng kislap ng iyong maningning na ilaw.

Ang aking adhika sapul magkaisip
noong kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsang masilip
sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakas kunot ng kapighatian
gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayan ko ang laging gunita
maningas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa
paghingang papanaw ngayong biglang-bigla.

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
akoy malugmok, at ikaw ay matanghal,
hininga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.

At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig ng lupa ng aking libingan,
ang init ng iyong paghingang dalisay
at simoy ng iyong paggiliw na tunay.

Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlam at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at hanging hagibis.

Kung sakasakaling bumabang humantong
sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon,
doon ay bayaan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw
ula'y pasingawin noong kainitan,
magbalik sa langit ng buong dalisay
kalakip ng aking pagdaing na hiyaw.

Bayaang sino man sa katotong giliw
tangisang maagang sa buhay pagkitil;
kung tungkol sa akin ay may manalangin
idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay,
Nangag-tiis hirap na walang kapantay;
mga ina naming walang kapalaran
na inihihibik ay kapighatian.

Ang mga balo't pinapangulila,
ang mga bilanggong nagsisipagdusa;
dalanginin namang kanilang makita
ang kalayaan mong ikagiginhawa.

At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libinga't
tanging mga patay ang nangaglalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.

Ang kanyang hiwaga’y huwag gambalain;
kaipala'y marinig doon ang taginting,
tunog ng gitara't salterio'y magsaliw,
ako, Bayan yao't kita'y aawitan.

Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat
at wala ng kurus at batong mabakas,
bayaang linangin ng taong masipag,
lupa'y asarolin at kahuya’y ikalat.

Ang mga buto ko ay bago matunaw,
mauwi sa wala at kusang maparam,
alabok na iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.

Kung magkagayon ma'y, alintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin,
pagka't himpapawid at ang panganorin,
mga lansangan mo'y aking lilibutin.

Matining na tunog ako sa dinig mo,
ilaw, mga kulay, masamyong pabango,
ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo,
pag-asang dalisay ng pananalig ko.

Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,
Katagalugan kong pinakaliliyag,
dinggin mo ang aking pagpapahimakas;
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.

Ako'y patutungo sa walang busabos,
walang umiinis at berdugong hayop;
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo’y haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid
kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
mga kaibigan, bata pang maliit,
sa aking tahanan di na masisilip.

Pag-papasalamat at napahinga rin,
paalam estranherang kasuyo ko't aliw,
paalam sa inyo, mga ginigiliw;
mamatay ay siyang pagkakagupiling!

(The Spanish poem was translated into Tagalog by
the Filipino revolutionary hero Andres Bonifacio.)

Mi Último Adios 
(Spanish vesion of Huling Paalam)
Adios, Patria adorada, region del sol querida,
Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido eden,
A darte voy alegre, la triste, mustia vida;
Y fuera mas brillante, mas fresca mas florida,
Tambien por ti la diera, la diera por tu bien.

En campos de batalla, luchado, con delirio,
Otros te dan sus vidas, sin dudas, sin pesar.
El sitio nada importa: cipres, laurel o lirio,
Cadalso o campo abierto combate o cruel martirio,
Lo mismo es si lo piden la Patria y el hogar.

Yo muero, cuando veo que el cielo se colora
Y al fin anuncia el dia, tras lobrero capuz;
Si grana necesitas, para tenir tu aurora,
Vierte la sangre mia, derrama laen buen hora,
Y dorela un reflejo de su naciente luz!

Mis suenos, cuando apenas muchado adolescente,
Mis suenos cuando joven, ya lleno de vigor,
Fueron el verte un dia, joya del mar de Oriente,
Secos los negros ojos, alta la tersa frente,
Sin ceno, sin arrugas, sin manches de rubor.

Ensueno de mi vida, mi ardiente vivo anhelo,
Salud! te grita el alma, que pronto va a partir;
Salud! ah, que es hermoso caer por darte vuelo,
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo,
Y en tu encantada tierra la eternidad dormir!

Si sobre mi sepulcro vieres brotar, un dia,
Entre la espesa yerba sencilla humilde flor,
Acercala a tus labios y besa al alma mia,
Y sienta yo en mi frente, bajo la tumba fria,
De tu ternura el soplo, de tu halito el calor.

Deja a la luna verme, con luz tranquila y suave,
Deja que el elba envie su resplandor fugas;
Deja gemir al viento, con su murmullo grave;
Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave,
Deja que el ave entone su cantico de paz.

Deja que el sol, ardiendo, las lluvias evapore,
Y al cielo tornen puras, con mi clamor en pos;
Deja que un ser amigo mi fin temprano llore;
Y en las serenas tardes, cunado por mi alguien ore,
Ora tambien, oh Patria, por mi descanso a Dios.

Ora por todos cuantos murieron sin ventura;
Por cuantos padecieron tormentos sin igual;
Por nuestras pobres madres, que gimen su amargura;
Por huerfanos y viudas, por presos entortura;
Y ora por ti, que veas tu redencion final.

Y cunado, en noche oscura, se envuela el cementerio,
Y solos solo muertos queden velando alli,
No turbes su reposo, no turbes el misterio;
Tal ves acordes oigas de citara o salterio;
Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti.

Y cuando ya mi tumba, de todas olvidada,
No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar,
Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,
Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada,
El polvo de tu alfombra que vayan a formar.

Entonces nada importa me pongas en olvido,
Tu atmosfera, tu espacio, tus valles cruzare;
Vibrante y limpia nota sere para tu oido;
Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido,
Constante repitiendo la esencia de mi fe.

Mi Patria idolatrada, dolor de mis dolores,
Querida Filipinas, oye el postrer adois.
Ahi, te dejo todo: mis padres, mis amores.
Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores;
Donde la fe no mata, donde el que reina es Dios.

Adios, padres y hermanos, trozos del alma mia,
Amigos de la infrancia, en el perdido hogar;
Dal gracias, que descanso del fatigoso dia;
Adios, dulce extranjera, mi aliga, mi alegria;
Adios, queridos seres. Morir es descansar.

My Last Farewell
 (English version of  Huling Paalam or Mi Ultimo Adiós)

 Farewell, my adored Land, region of the sun caressed,
Pearl of the Orient Sea, our Eden lost,
With gladness I give you my Life, sad and repressed;
And were it more brilliant, more fresh and at its best,
I would still give it to you for your welfare at most.

On the fields of battle, in the fury of fight,
Others give you their lives without pain or hesitancy,
The place does not matter: cypress laurel, lily white,
Scaffold, open field, conflict or martyrdom's site,
It is the same if asked by home and Country.

I die as I see tints on the sky b'gin to show
And at last announce the day, after a gloomy night;
If you need a hue to dye your matutinal glow,
Pour my blood and at the right moment spread it so,
And gild it with a reflection of your nascent light!

My dreams, when scarcely a lad adolescent,
My dreams when already a youth, full of vigor to attain,
Were to see you, gem of the sea of the Orient,
Your dark eyes dry, smooth brow held to a high plane
Without frown, without wrinkles and of shame without stain.

My life's fancy, my ardent, passionate desire,
Hail! Cries out the soul to you, that will soon part from thee;
Hail! How sweet 'tis to fall that fullness you may acquire;
To die to give you life, 'neath your skies to expire,
And in your mystic land to sleep through eternity!

If over my tomb some day, you would see blow,
A simple humble flow'r amidst thick grasses,
Bring it up to your lips and kiss my soul so,
And under the cold tomb, I may feel on my brow,
Warmth of your breath, a whiff of your tenderness.

Let the moon with soft, gentle light me descry,
Let the dawn send forth its fleeting, brilliant light,
In murmurs grave allow the wind to sigh,
And should a bird descend on my cross and alight,
Let the bird intone a song of peace o'er my site.

Let the burning sun the raindrops vaporize
And with my clamor behind return pure to the sky;
Let a friend shed tears over my early demise;
And on quiet afternoons when one prays for me on high,
Pray too, oh, my Motherland, that in God may rest I.

Pray thee for all the hapless who have died,
For all those who unequalled torments have undergone;
For our poor mothers who in bitterness have cried;
For orphans, widows and captives to tortures were shied,
And pray too that you may see you own redemption.

And when the dark night wraps the cemet'ry
And only the dead to vigil there are left alone,
Don't disturb their repose, don't disturb the mystery:
If you hear the sounds of cithern or psaltery,
It is I, dear Country, who, a song t'you intone.

And when my grave by all is no more remembered,
With neither cross nor stone to mark its place,
Let it be plowed by man, with spade let it be scattered
And my ashes ere to nothingness are restored,
Let them turn to dust to cover your earthly space.

Then it doesn't matter that you should forget me:
Your atmosphere, your skies, your vales I'll sweep;
Vibrant and clear note to your ears I shall be:
Aroma, light, hues, murmur, song, moanings deep,
Constantly repeating the essence of the faith I keep.

My idolized Country, for whom I most gravely pine,
Dear Philippines, to my last goodbye, oh, harken
There I leave all: my parents, loves of mine,
I'll go where there are no slaves, tyrants or hangmen
Where faith does not kill and where God alone does reign.

Farewell, parents, brothers, beloved by me,
Friends of my childhood, in the home distressed;
Give thanks that now I rest from the wearisome day;
Farewell, sweet stranger, my friend, who brightened my way;
Farewell, to all I love. To die is to rest.

Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal

Wednesday, July 3, 2013

Florante at Laura: Buod ng Bawat Kabanata

Kabanata 1: Kay Selya

Buod:
Si Francisco Baltazar ay sinulat ang kuwentong ito para sa kaalaman ng mambabasa na kung paano niya ipinaglaban ang pag–ibig niya kay Maria Asuncion Rivera (MAR) na tinawag niyang Selya. Ibinahagi ni Francisco ang lahat ng kanilang masasayang nangyari sa buhay nila ni Selya sa Ilog Beata. Nakuha niyang iguhit sa pamamagitan ng sintang pinsel ang larawan ni Selya. Nang matauhan siya sa kanyang pag-iisip, napaiyak siya nang dahil sa labis na kalungkutan. Maraming siyang katanungan subalit si Selya lang ang makakasagot. Tinuran ni Francisco na bagamat sumakabilang buhay na si Selya ay hinahangad pa rin niya na ang tapat nilang pag-iibigan ay dapat tumagal. Si M.A.R. na tinawag na Selya ang kanyang unang pag-ibig.

Talasalitaan:
1.    karalitaan  - karukhaan; kawalan
2.    hilahil - walang-wala; nagigipit;
3.    yapakan – apakan; tutungan; hakbangan
4.    panimdim - dalamhati
5.    taghoy - managhoy; manangis; humalinghing; dumaing dahil sa sakit
6.    umid - di-makapagsalita
7.    ayop – paglabag; pagkakasala

Kabanata 2: Puno Ng Salita

Buod:
Ang kagubatan ay inilarawan na madilim at may malalaking puno tulad ng higera at sipres. Bawat isa sa mga  punong ito ay may mga baging na may tinik at pagkinain mo naman ang bunga nito ika’y magkakasakit. Ang mabahong amoy sa kagubatan ay sanhi rin sa mga bulaklak na nandito. Ang kagubatan ay malapit sa Abernong Reyno na pinamumunuan ni Plutong masungit at sa Ilog Kositong. Sa madilim na kagubatan na ito ay may isang lalaking nagngangalang Florante ang nakatali sa puno, inilarawan siya bilang Adonis dahil sa tindig at pangangatawan nito at kahit nakatali na ang kamay, paa’t liig, makinis ang kanyang balat, at ang kanyang pilik-mata’t kilay ay parang isang arko.

Talasalitaan:
1.    kangino – kanino
2.    matimpi – pormal; husto
3.    bulo – binti; guya; bakang maliit; bisiro
4.    higerang - kapwa
5.    balantok - arko
6.    mapanglaw – malungkot; nagdadalamhati
7.    ungos – sa taas ng bibig

Kabanata 3: Kaliluha’y Hari

Buod:
Ang magiting si Florante ay nakagapos pa rin sa kagubatan na ito ngunit walang nakatirang nimfas at harpyas na pwedeng tumulong sa kanya. Kaya naman si Florante ay nagdasal na lamang sa Diyos. Ang hinaing niya ay tungkol sa mga masasamang tao na gustong maghari-harian sa kanyang bayan at ang bandilang iwinawaygayway dito. Galit na galit si Florante pati ang Diyos ay nagawa niyang sisihin kung bakit nangyayari ang mga kamalasan na ito sa Albanya. Alam ni Florante na gusto makuha ni Konde Adolfo ang korona ni Haring Linseo at gawing sabungan ang Albanya. Hinihiling niya na sana tanggalin ang masasamang loob na nakatira sa Albanya at bumalik sa magandang ayos ang kanyang bayan.

Talasalitaan:
1.    uyamin – kutyain
2.    tinangis– sigaw; umiyak; tawag
3.    lugami – manghina; pagod
4.    lilo – samsamin; taksil
5.    dusta – pag – alipusta; insultuhin
6.    pita - kahilingan
7.    niri – isang bagay na malapit sa iyo; ngayon palang nangyayari ang isang bagay
8.    tarok – pagkakaunawa; pagkakaintindi

Kabanata 4: Ang Panigbugho

Buod:
Si Florante ay nagdudusa pa rin sa madilim na kagubatan. Pag siya ay nahihirapan na, siya ay nagdadasal na lamang sa Maykapal. Sa kanyang dasal sabi ni  Florante na lahat ng hirap at sakit tatanggapin ko, ipaalala mo lang kay Laura na may nagmamahal pa sa kanya. Si Laura na lamang ang tanging taong natitira kay Florante ngunit sa kasamaang palad nasa ibang kandungan na ito. Nahimatay si Florante dahil sa sakit na kanyang nararamdaman, halos ang kanyang katawan ay puno ng sakit at pagdurusa at kung may makakita man sa kanyang kalagayan ay tiyak na maaawa ito. Ang madilim at malungkot na kagubatan ay mas lalo naging malungkot dahil sa nangyari kay Florante.

Talasalitaan:
1.    laot – mataas na dagat
2.    gunamgunam – diwa; layunin
3.    mandin –tila; wari; para
4.    apuhap – humana; sikaping matamo
5.    suyo - ligawan
6.    hapis – masidhing kalungkutan
7.    nahan - saan
8.    lungayngay – nalalanta; sampay; bitin
9.    pili – ikirin; tirintasin

Kabanata 5: Halina’t Laura Ko

Buod:
Si Florante ay galit na galit pa rin kay Laura. Pero pagmamahal pa rin ang namayani sa puso ni Florante. Hindi niya akalain na sasayangin lamang ni Laura ang maraming luha na inalay nito para sa kanya at tinagurian pa siya nito ng “giliw” dahil si Florante ang lunas ng mga sakit na nararanasan ni Laura.  Si Florante ay laging inuutasan ng ama ni Laura. Pag aalis si Florante si Laura ay malulungkot at iiyak; itatahi niya ang sirang plumahe nito at ayaw na ayaw niya masugatan si Florante sa pakikipaglaban. Ang lahat ng iyan ay hinahanap ngayon ni Florante habang siya’y nakatali sa puno. Si Laura na lamang ang natitirang magpapaligaya kay Florante ngunit nasa ibang kandungan na ito at ang kanyang lungkot ay umalingawngaw sa buong gubat kaya sa kanyang matinding pagseselos at sakit na nararamdaman ay nahimatay siya.

Talasalitaan:
1.    baluti – ginagamit sa pakikipaglaban; pang proteksyon sa kalaban.
2.    gurlis – bugbog; pasa; galos; gasgas
3.    tugot – paghinto; pagtigil
4.    dini – dito
5.    upandin – nasa ayos
6.    sawata – abala; hadlangan
7.    lingap – awa; habag
8.    dalita – hirap
9.    kalis – espada; sable
10. tunod – palasong maigsi; kislap
11. yukyok – itago
12. supil – disiplina; patnubayan

Kabanata 6: Pagdating ni Aladin sa Gubat

Buod:
Si Aladin ay nagkataong dumating sa kagubatan, siya ay isang gererong nagmula sa siyudad ng Persya mula siya sa mga lahi ng Moro. Si Aladin ay naghahanap ng punong pwede mapagpahingahan. Umupo siya sa puno at siya ay umiiyak, ipinatong niya ang kanyang ulo sa kanyang kaliwang kamay at tinutop niya ang kanyang noo sa kanan. Si Aladin ay tumigil sa pagiyak at inalala ang nararamdaman para kay Flerida, ang babaeng pinakamamahal ni niya. Ngunit si Flerida ay inagaw na ng kanyang sariling ama. Lahat gagawin ni Aladin para bumalik lang sa kanya ang kanyang pinakamamahal na babae na si Flerida. Hindi niya gagalangin ang umagaw sa kanyang minamahal at ihahalintulad pa niya ang kanyang sarili kay Marte, ang diyos ng digmaan

Talasalitaan:
1.    daop – yakapin
2.    yakagin – mag-anyaya; tawagin ang pansin; pumarito
3.    nasok – tumuloy; pumasok
4.    yurakan – humakbang; lumakad
5.    linsil – ligaw
6.    tatap – unawain

Kabanata 7: Duke Briseo: Ang Amang Nagmamahal

Buod:
Si Aladin ay nakarinig ng isang taong umiiyak, sinundan niya ito at nahamangha siya sa nakita niya. Nakita niya si Florante na umiiyak habang nakatali sa puno. Umiiyak si Florante dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pinatay ni Konde Adolfo ang ama ni Florante. Sabi ni Florante ang mga kaibigan pa daw ng kanyang ama ang tumaksil sa kanya, naghati sila sa dalawang grupo, isa sa mga kakampi at yung isa sa mga tumaksil. Napagalaman pa ni Florante na hindi nabigyan ng magandang libing ang kanyang ama. Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan pa rin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.

Talasalitaan:
1.    baling - pihit; palit; liko
2.    humibik - mahinahon; di-lasing
3.    tabak – bolo; espada
4.    sukab – traydor
5.    napatid – nabali
6.    mapagkandili – mapagsamantala
7.    namaang – nagtaka

Kabanata 8
Duke Briseo: Amang Mapagmahal

Buod:
Nang makarinig ang gerero ng iyak ni Florante, siya'y namangha kaya naman sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ng nagsasalita at dumating siya sa pinanggagalingan ng boses at narinig niya si Florante na umiiyak dahil sa pagkamatay ng kanyang ama. Pira-pirasong pinatay ang kanyang ama ni Konde Adolfo. Ang sabi pa ni Florante ang mga kaibigan ng kanyang ama ay nahati sa dalawang parte, may kumampi sa masama at may kumampi sa mabuti ngunit walang magawa ang mga kaibigan niyang hindi bumaliktad sa kanya dahil mapaparusahan lamang sila kapag lumapit sa pira-pirasong katawan ng kanyang ama at hindi man lamang siya nabigyan ng maayos na libing at sabi pa ni Florante na ninanais pa ng kanyang ama na matabunan siya ng bangkay sa gitna ng pagpapatayan at ng hindi mahulog sa kamay ni Konde Adolfo na higit pa sa halimaw ang ugali.
Para kay Florante, si Duke Briseo ay isang ulirang ama dahil kahit sa huling sandali ng buhay nito ang kapakanan parin ng kanyang anak ang iniisip at sinabi na Florante na nung mamatay ang kanyang ama ang lahat ng tuwa na kanyang nararamdaman ay nawala sa kanya.

Kabanata 9
Ang Morong Nakikinig

Buod:
Nang mapakinggan ni Aladin ang mga daing ni Florante ay agad niyang naisip ang kanyang ama at hindi niya napigilang umiyak. Parang ikinukumpara ni Aladin ang kanyang ama sa ama ni Florante kung paano ito mag aruga ng isang anak. Ang ama ni Aladin ay kilala niya bilang isang sakim at makasariling ama. Inagaw nito ang kanyang kasintahan at nais ng kanyang ama na lumubog siya sa dusa at siya'y mamatay. Namatay ang kanyang ina ng siya'y isinilang kaya naman ang kanyang ama nalang ang nagpalaki sa kanya, ngunit ang pagpapalaki nitoay pawing dusa at sakit ang kanyang nararamdaman.

Kabanata 10
O, Laura

Buod:
Nang matauhan si Aladin sa kanyang pag-iisip sa kanyang ama, narinig niya ang muling pananambitan ni Florante at ito'y tungkol kay Laura. Nagpapaalam siya at sinabi niyang kahit siya'y sumakabilang buhay na mamahalin niya parin si Laura. Hindi pa natapos ni Florante ang pangungusap na ito ay may dalawang leon ng papunta sa kanya at ng nasa harapan na niya ito, ito'y tumigil at mukhang naawa sa kanyang kalagayan. Nagpaalam si Florante sa Albanyang pinaglingkuran niya na ngayon ay pinamamayanan na ng kasamaan, lupit, bangis at kaliluhan. Bata pa lamang si Florante nais na niyang paglingkuran ang bayan ng Albanya. Sa kabila ng lahat ng ito nagpapasalamat parin si Florante dahil sa Albanya niya nakilala ang kanyang magiging kasintahan ngunit sa di inaasahan si Laura ay nagtaksil sa kanya.Nasa harapan na ni Florante ang papatay sa kanya at mamamatay raw siya na hindi kapiling si Laura at iyon ang pinakamasakit na pangyayari sa kanyang buhay. Umiyak si Florante dahil hindi na niya nakayanan ang sakit na kanyang nararamdaman, narinig ng gerero ang lahat ng pananambitan ni Florante na nakakatakot kaya naman tinunton ni Aladin kung nasaan nanggagaling ang boses na kanyang naririnig. Nang malapit na si Aladin kung saan nandoon si Florante ay nakita niya ang matibay na pagkakatali nito sa puno at bigla siyang umiyak dahil sa awa. Nais ng silain ng mga
leon si Florante ngunit naabutan ito ni Aladin at inusig niya ng taga ang dalawang mababangis na
leon at namatay ito.

Kabanata 11
Ang Pakikipaglaban ni Aladin sa Dalawang Leon

Buod:
Nang magtagumpay si Aladin sa pagpatay sa dalawang leon, kinalagan niya kaagad si Florante at siya'y umiiyak habang kinakalagan niya ito. Nakita ni Aladin ang dugo na nunukal sa gitgit dahil sa pagkakatali nito sa puno. Ang ginawa ni Aladin ay inalalyan niya si Florante upang maiupo at kinalong niya ito. Sa pagtitig ni Aladin kay Florante habang ito'y natutulog, si Florante ay biglang gumising at hinahanap si Laura at bumalik ito sa pagkakatulog. Natakot si Aladin na sagutin si Florante kaya pinabayaan niya na lamang ito. Nang muling gumising si Florante nakita niya ang isang lalaki na nakadamit pang Moro at siya'y nabigla, nais sana niyang ilayo ang kanyang katawan kay Aladin ngunit hindi niya ito nagawa dahil mahina pa siya. Sinabi niya kay Florante na ang baya't sekta nila ay magkaaway ngunit sa pangyayaring ito ay dapat silang maging magkaibigan at sinabi rin niya na siya ay tao lamang na sumusunod rin s autos o batas ng langit kaya naman tinulungan niya si Florante. Nagbuntung-hininga si Florante at sinisi niya si Aladin kung bakit siya nito kinalag sa puno hindi sana ngayon ay payapa na ang kanyang buhay sa loob ng tiyan ng leon dahil mas hinahangad pa ni Florante na mamatay na lamang siya kaya. Hindi napigilan ni Aladin ang umiyak sa mga pinagsasabi ni Florante.

Kabanata 12
Ang Pag-aaruga ni Aladin kay Florante

Buod:
Ang araling ito ay nagsasalaysay kung paano inalagaan ni Aladin si Florante hanggang sa ito'y gumaling at ikinuwento ni Florante ang kanyang pagkabata.
Nang mapansin ni Aladin na gumagabi na sa gubat humanap siya ng lugar upang doon alagaan si Florante at sa unang hinintuan niyang dako ay may nakita siyang isang malapad at makinis na bato at doon niya hiniga si Florante. Kumuha siya ng kanyang kunting baon upang kumain at inalok niya si Florante nito, sa una ito'y umayaw ngunit hindi naglaon ito'y tinanggap rin. Naluwag-luwagan ang kanilang paghihinagpis at nabawasan ang pagkagutom. Nakatulog si Florante sa sinapupunan ni Aladin at hindi natulog si Aladin dahil siya'y natatakot na baka makagat si Florante ng mga masasamang hayop na gumagala sa gubat at kapag nagigising si Florante parang natatakot si Aladin baka may masama ng nangyari rito. Nang magmamadaling-araw ay nahimbing at munting napayapa sa dalang mga problema hanggang nagumaga ay walang binitawang hinagpis at daing si Florante. Lumakas na muli ang katawan ni Florante at dahil sa tuwa ni Aladin ay napayakap siya kay Florante. Tinanong ni Aladin si Florante tungkol sa buhay niya at sinabi ni Florante na ang buhay niya ay puno ng dusa at sakit! Sinabi niya kay Aladin na sana sa Krotona na lamang siya lumaki at hindi nalang sa Albanya, ang ama raw niyang si Duke Briseo ay ang tanungan ni Haring Linseo sa anumang bagay at ito ang pangalawang puno sa sangkaharian, mabait ang kanyang ama at sa katapangan ay siya ang pang-ulo sa siyudad ng Albanya. Ang sabi ni Florante walang mahahalagang nangyari sa kanyang buhay ng siya'y musmos pa lamang, sabi ng kanyang ina ng siya raw ay natutulog sa bahay nila na malapit sa bundok pumasok ang isang ibong pang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop, mabuti nalang at dumating ang pinsan ng kanyang ina na si Menalipo at pinana niya ang ibon at ito'y namatay. Nang si Florante ay naglalaro sa salas may isang alko na kinuha ang kupidong diyamante sa dibdib niya at ng tumuntong siya sa siyam na taon, parati siyang naglalaro sa burol dahil parati siyang namamana ng ibon. Sa tuwing umaga bago lumalabas ang masayang sinag ng araw ang kanyang libangan ay sa tabi ng gubat a hanggang sa tingal-in ng ang sinag ng araw na hindi matitigan ay sinasagap niya ang kaligayahang handog ng hindi maramot na parang.

Kabanata 13
Kabataan ni Florante

Buod:
Ang araling ito ay tungkol sa mga bagay na ginagawa ni Florante ng siya'y bata pa lamang.
Nakatira si Florante sa Krotona na isang malayang bata na nagagawa kung ano ang gusto niyang gawin, gaya ng, mamana ng mga ibon o pumatay ng mga hayop. Ang sabi niya kay Aladin kapag may nakita raw siyang hayop na tinitingala niyang malapit sa bundok, bigla raw niyang ibibinit ang pana sa busog sa minsang tudla niya ay pilit na matutuhog at kapag napatay na niya ay mag-uunahang makarampot ang kanyang mga kasama at kapag nakakapatay raw siya ay halos hindi masukat ang kanyang kaligayahan. Natutunan niya sa kanyang ama na hindi nararapat palakihin ang isang bata na laki sa layaw at puro kaligayahan ang natatamasa dahil kapag dumating ang panahon na darating sa kanyang buhay ang kasawian at kalungkutan ay hindi niya ito malulutas dahil siya'y nasanay sa kaligayahan. Sa lagay na ito ipinadala siya ng kanyang ama sa Atenas at ito ang dahilan ng pag-iyak ng kanyang ina. Sa Atenas ang nagging maestro niya ay si Antenor, lahi ng mga Pitako, ito'y mabait at marunong na isang maestro.

Kabanata 14
Nahubdan ng Balatkayo

Buod:
Isang buwan na hindi kumain si Florante at parating umiiyak simula ng siya'y ipinadala ng kanyang ama sa Atenas at hindi nagtagal napayapa siya dahil sa pag-aliw ng kanyang maestrong si Antenor. May nadatnan siyang isang batang madlang nag-aaral at iyon ay si Adolfo ang anak ng isang marangal na si Konde Sileno. Labing dalawang taon na si Adolfo't si Florante naman ay labing isa pa lamang. Kilala si Adolfo bilang isang mahinhin ang kanyang ugali ay hindi magaslaw, kung lumakad ito'y laging patungo at mabinining mangusap at walang katalo, lapastanganin man siya ay hindi siya nabubuyo. Siya ang huwaran ng kanyang mga kaklase sa kabaitan. Sinabi rin ni Florante na ang katalasan ng kanyang maestrong si Antenor ay hindi mabatid ang lalim na lihim ni Adolfo at sinabi rin ni Florante na ang sabi ng kanyang ama na ang bait na hindi paimbabaw ito'y namumunga ng kaligayahan. Sa madaling salita mabigat ang loob ni lorante kay Adolfo at alam niyang ganoon din ang nararamdaman ni Adolfo sa kanya.
Isang araw natarok ang kaalaman ni Florante ang lalim ng pilosopiya, natutunanrin niya ang astrolohiya at ang matimatika. Ang pagkatuto raw niya ay parang isang himala si Adolfo raw ay naiwan sa gitna at ang maingay na tagapamalita sa buong Atenas ay gumagala-gala. Siya na ang usap-usapan mapabata man o mapatanda ay nakatalastas ng pangalan ni Florante. Nahalata si Adolfo na nagbabalatkayo lamang ng dumating ang araw ng pagkakatuwaan ng mga mag-aaral na nagbibinata, iba't iang laro ang kanilang nisipan at sinukat nila ang galling sa sayawan na naaayon sa musika't awit na mapakikinggan. May laro ring buno't arnis na kinaitaan ito ng kanilang liksi't karunungan.

Kabanata 15
Nasalag ang Dagok

Buod:
Ang araling ito ay tungkol sa ipinalabas na trahedya nina Florante. Si Florante ay gaganap bilang si Etyokles ang magiging kapatid ni Polinese at anak nina Edipo at Yokasta at si Adolfo naman ay gaganap bilang si Polinese ang anak nina Edipo at Yokasta at kapatid ni Etyokles. Nang isinasadula na nila ang kwento, iba ang mga pinagsasabi ni Adolfo sa kanya ay wala ito sa orihinal. Sinabihan siya ni Adolfo na inagaw raw niya ang kapurihan na dapat ay nasa kanya at sinabi rin niya na dapat lng mamatay si Florante kaya inilabas ni Adolfo ang knyang dalang patalim at balak saksakin si Florante, sa kanyang kakailag iya'y natumba buti nalang t nailigts siya ni Menandro, ang kanyang kaibigan. Pagkatapos ng pangyayaring ito hindi na nila nakita si Adolfo. Naging Isang taon pa ang pamamalagi niya sa Atenas at pinadalhan siya ng sulat ng kanyang ama upang ipaalam na namatay ang kanyang ina. Labis ang sakit na naramdaman ni Florante, dalawang oras siyang nawalan ng malay ng mabasa niya ang liham na ipinadala ng kanyang ama. Nang siya'y magkamalay naisip niya agad ang sakit at ang kanyang dalawang mata'y hindi mapigil sa pag-iyak at sabi pa niya na noong malaman niya na namatay ang kanyang ina ay pakiramdam niya pasan niya ang buong sandaigdigan at nag-iisa lamang siya sa gitna ng lumbay kaya naman ang ginawa ng kanyang maestroy inaliw siya nito.

Kabanata 16
Ang mga Habilin ni Antenor kay Florante

Buod:
Ang araling ito ay tungkol sa mga habilin ni Anteno kay Florante papunta sa Albanya.
Dalawang buwang hindi nakatikim ng ligaya't aliw si Florante sa Atenas simula ng malaman niyang namatay ang kanyang ina. Dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama at ng sabi rito ay pauuwiin na siya sa Albanya at nagpaalam siya sa kanyang maestrong si Antenor. May hinabilin sa kanya si Antenor bago siya umalis. Dapat raw siyang mag-ingat sa handa na patibong ni Adolfo at kung ang isalubong raw kay florante ay masayang mukha , mas lalo raw siyang mag-ingat at wag magpapahalata na alam ang nasa ni Adolfo upang makapaghanda siya sa araw ng digma. Hindi niya napigilan ang umiyak ay niyakap siya nito ng mahigpit at ang huling tagubilin ng kayang maestro sa kanya ay dapat raw niyang tiisin ang mga problemang naghihintay sa kanyang pagdating sa Albanya. Naghiwalay sila ng kaniyang mga kaklase at si Menandro ay labis ang pagdaralita kaya naman ng magyakapann ang dalawang magkaibigan ay hindi na nila binitawan ang isa't isa kaya tinulutan na lamang ni Antenor na sumama si Menandro kay Florante patungo sa Albanya at silay umalis na. Nang makaraling na sila sa Albanya sinalubong siya ng kanyang ama at nagbatian silang dalawa, nadagdagan ang sakit na naramdaman ni Florante dahil sa kalagayan ng kanyang ama.

Kabanata 17
Ang Heneral ng Hukbo

Buod:
Nagpadala ng sulat ang lolo ni Florante na ang Krotona ay kinubkob ng mga Moro na pinamumunuan ni Heneral Osmalik ng Persya, ayon sa balita ay pangalawa ito ng prinsipeng kilala sa buong mundo. Si Aladin na hinahangaang kababayan ni Florante. Napangiti si Aladin at sinabi niya na bihira lang raw ang totoong pagbaybay ng balita at kung magkatotoo raw ito ay marami ang dagdag, madalas raw kilala ang isang tao na matapang kung ang kalaban ay takot sa kanya at sinabi rin ni Aladin na katulad lang sila ng nararamdaman ni Florante ng sakit tungkol sa kanilang pag-ibig. Singot siya ni Florante na hindi nararapat matulad ang isnag gerero sa tulad niyang api at sa kaaway may hindi niya raw ito ninanais sa laki raw ng dusa na kanyang natatamasa.
Humarap si Duke Briseo kay Haring Linseo upang ipakilala ang kanyang anak na si Florante at ng makilala niya ito namangha ang hari at niyakap niya si Florante. Ginawa siyang heneral sa isang hukbo na dadalo sa bayan ng Krotona na sinakop ng mga Moro. Kahit labag sa kalooban ng kanyang ama ay pumayag na lamang ito at siya'y walang sagot na naisabi kundi yakapin na lamang ang kanyang magiging kapalaran sa bayan ng Albanya.

Kabanata 18
Patay o Himala

Buod:
Isinalaysay ni Florante kay Aladin kung paano sila nagkakilala ni Laura. Nagkakilala sila ni Laura ng siya'y inimbitahan ni Haring Linseo sa palasyo tungkol sa hukbo na kanyang pamumunuan. Nakilala niya ang isang napakagandang dilag roon at nagkwentuhan sila sa kanilang mga buhay. Sinabi ni Florante na kung hindi siya inimbitahan ni Haring Linseo na pumunta sa palasyo hindi niya makikilala si Laura at hindi siya masasaktan. Hindi niya akalain na pagtataksilan siya ni Laura at naisip niya na kung gaano ka kataas ang pagkadakila ito rin ang paglagapak kung mararapa, sinabi rin niya na inagaw raw ni Aladin ang isang gawain na nararapat ang ina niya ang gumawa ngunit sa kadahilanang sawi siya sa lahat ng bagay. Namatay ang kanyang ina na sa kaunting panahon lamang niya ito nakapiling at pinagtaksilan siya ng kanyang pinakamamahal na babaeng si Laura. Tatlong araw na pinigingan ng hari ng palasyo real si Florante.

Kabanata 19
Perlas sa Mata'y Nunukal

Buod:
Sa araling ito natikman ni Florante ang lalong dalamhati at ito'y higit pa raw sa naunang dalitang tiniis at pinasinungalingan niya ng lahat ng sakit dahilan lamang sa pag-ibig. Kinabukasan bago umalis ang hukbo ni Florante papuntang Krotona nakausap niya si Laura at sinabihan niya ito ng mga matatamis na salita nag buntong-hininga, luha at himutok ang matinding naramdaman ni Florante. Kahit hindi siya sinagot ni Laura ng matamis na oo may mababaon parin siya sa kanyang pakikipaglaban ang hiyang perlas na sa mata'y tumulo. Dumating na ang araw ng pag-alis ni Florante papuntang Krotona at maraming tanong ang nais ni Florante na masagot bago siya umalis tungkol kay Laura.
Dumating na ang hukbo ni Florante sa bayan ng Krotona at doon naglaban ang dalawang kampo at ito'y umabot ng limang oras hanggang sa mapagod si Heneral Osmalik at ng mapatay ni Florante si Heneral Osmalik ay parang nagluksa ang langit.

Kabanata 20
Krotona'y Nagdiwang

Buod:
Nang matalo ni Florante si Heneral Osmalik pumunta sila sa palsyo real at doon sinalubong sila ng kanyang lolo at mga mamamayan ng Krotona. Malaki ang pasasalamat ng mga mamamayan kay Florante dahil ang bayan raw nila ngayon ay muling nabuksan at ballot na balot ito ng kaligayahan. Nagsiakyat sila Florante sa palasyo real upang magpahinga. Tatlong araw na hindi natulog ang mga tao sa Krotona dahil sa kanilang hindi mapantayang ligaya. Sa ligaya raw nila ng kanyang nunong hari nakipagitan roon ang pagkamatay ng kanyang ina ay naungkat muli, kaya dn naniwala ang batang loob ni Florante na sa mundo'y walang lubos na katuwaan dahil sa minsang ligayang nararamdaman may mga problema parin ang mapagdadaanan. Limang buwang nanatili si Florante sa Krotona at nagpilit bumalik sa Albanya. Sa kanilang paglalakad parang hindi siya mapalagay, parang nais na niyang makarating agad sa Albanya.

Kabanata 21
O, Sintang Florante

Buod:

Nang dumating ang hukbo ni Florante sa bayan ng Albanya, nakita nila ang pulutong ng mga Moro. May nakita siyang isang binibini na nasa kamay ng mga Moro at ito'y nakagapos at pakiramdam nila ito'y pupugutan ng ulo. Ang puso ni Florante ay lalung naipit ng lumbay dahil nangangamba siya na ito'y si Laura. Hindi niya napigilan ang kanyang galit na nararamdaman at agad nilang nilusob ang mga Moro ang ibang Moro ay tumakbo kaya ng wala na siyang mapagbubuntungang galit inalis niya ang takip sa mukha ng isang binibini at tama nga ang kanyang hinala na ito'y si Laura. Kaya raw ito pupugutan ng ulo dahil hindi tinanggap ni Laura ang pag-ibig na alay ni Emir, kaya ng magtangkang gahasain ni Emir si Laura ay sinampal niya ito. Kinalag niya ang gapos na lubid sa kamay ni Laura at nahihiya pa siyang madampian ang magandang balat nito. Dito nakatanggap ng lunas ng pag-ibig si Florante ng titigan siya ni Laura at banggitin ang kanyang pangalan. Nang malaman niyang ang Haring Linseo at ang kanyang ama ay nasa kulungan agad siyang pumunta sa bilangguan ng reyno at nakita niya roon si Haring Linseo, ang kanyang ama at si Adolfo. Hindi masukat ang kaligayahan ng Hari at ng kanyang ama sa kanyang natamong tagumpay habang si Adolfo naman ay nagdadalamhati sa tagumpay na nakamit ni Florante. Ang pangimbulo ni Adolfo kay Florante ay lalung lumala ng tawagin si Floranteng tagapagligtas ng siyudad ng Krotona at ipinagdiwang pa ito ng matataas na hari sa palasyo real.

Kabanata 22
Silu-Silong Sakit

Buod:
Hindi dumating ng ilang buwan ang kasiyahan na natatamasa ng Albanya dahil may isang dumating na isang hukbong maninira na taga-Turkiya. Ang panganib at pag-iiyakan ay bumalik sa bayan ng Albanya lalung-lalo na kay Laura na natatakot na baka mapahamak si Florante. Sa kadahilanang inutusan siya ni Haring Linseo at siya ang napiling maging pinuno ng hukbo, hindi niya ito dapat suwayin. Natalo ni Florante ang hukbo ni Miramolin sa Etolya at nakatanggap ng sulat si Aldin na galling sa kanyang ama na siya'y pinapabalik kaagad sa ALbanya. Gabi na ng dumating si Florante sa Albanya at pumasok kaagad siya sa Reyno at nahulog siya sa patibong na inihanda ni Adolfo. Nalaman rin ni Florante na pinatay ni Adolfo si haring Linseo at ang kanyang ama at ang pinakamasakit pa nito ay ikakasal na si Laura kay Adolfo. Sa pagkabilanggo niya ng labingwalong araw naiinip si Florante sa kanyang kamatayan at gabi na noong dinala siya sa gubat at iginapos siya sa isang napakalaking puno upang doon ay makagat ng mga gumagalang hayop.

Kabanata 23
Kawawang Aladin

Buod:
Pagkatapos magsalaysay ni Florante, si Aladin naman ang nagkuwento tungkol sa kanyang buhay. Sinabi niyang ang kanyang sariling ama ang nakaagaw niya sa pag-ibig kay Flerida. Binalak siyang papugutan ng ulo ng kanyang ama dahil sa pag-iwan sa hukbo habang nakikipagdigma sa Albanya. Pumayag si Flerida na pakasal kay Sultan Ali-Adab upang hindi mapatay si Aladin kung kaya't pinaalis na lamang siya ng kaharian at hindi na maaaring bumalik sa Persya.

Kabanata 24
Hatinggabing Kadiliman

Buod:
Habang nag-uusap sina Florante at Aladin ay may narinig silang dalawang babaing nag-uusap. Nakita nilang sina Laura at Flerida pala ang naririnig nilang nag-uusap. Nalaman nilang si Flerida ay tumakas sa pamamagitan ng pagsusuot ng damit gerero dahil hindi niya maatim na pakasalan ang ama ng kanyang tunay na iniibig. Samantalang si Laura naman ay hindi tinanggap ang alok na pagmamahal ni Adolfo kaya't dinala siya nito sa gubat upang pagsamantalahan subalit dumating si Flerida at siya'y iniligtas.
Naging maligaya ang apat lalo na si Florante dahil napag-alaman nitong hindi nagtaksil sa kanya si Laura. Lalo silang natuwa nang dumating si Menandro at ibinalita na nabawi na nila ang Albanya.

Buod ng Florante at Laura

Ang kuwento ng Florante at Laura ay nagsisimula sa isang madilim na gubat sa may dakong labas ng bayang Albanya, malapit sa ilog Kositong na ang tubig ay makamandag. Dito naghihimutok ang nakataling Florante na inusig ng masamang kapalaran. Ang mga gunita niya ay naglalaro sa palagay niya ay nagtaksil na giliw na si Laura, sa kanyang nasawing ama, at kahabag-habag na kalagayan ng bayan niyang mahal.

Sa gubat ay nagkataong may naglalakad na isang Moro na nagngangalang Aladin. Narinig niya ang tinig ni Florante at dali-dali niya itong tinunton. Dalawang leon ang handang sumakmal sa lalaking nakatali. Pinatay ni Aladin ang dalawang mababangis na hayop at kanyang kinalagan at inalagaan si Florante hanggang sa muling lumakas.

Ikinuwento ni Florante ang kanyang buhay. Siya ay anak nina Duke Briseo at Prinsesa Floresca. Muntik na siyang madagit ng buwitre at iniligtas siya ng kanyang pinsang si Menalipo na taga-Epiro. Sinambilat ng isang halkon ang kwintas niyang diyamante.  Pinadala siya ng kanyang ama sa Atena upang mag-aral sa ilalim ng gurong si Antenor. Natagpuan niya doon ang kanyang kababayang si Adolfo na kanya ring lihim na kaaway. Iniligtas siya ni Menandro sa mga taga ni Adolfo nang minsang magtanghal sila ng dula sa kanilang paaralan. Tapos ay nakatangap si Florante ng liham tungkol sa pagkamatay ng sinisinta niyang ina.

Pagkabalik niya sa Albanya kasama ang matalik niyang kaibigang si Menandro, pinatay niya si Heneral Osmalik na kumubkob sa Krotona. Nagkaroon siya ng mga tagumpay sa labimpitong kahariang di-pa-binyagan matapos niyang iligtas si Laura sa hukbo ni Aladin na umagaw sa Albanya nang siya’y nakikipaglaban sa ibang bayan. Natalo din niya ang Turkong hukbo ni Miramolin at iba pa. Nagwakas ang kanyang pagsasalaysay sa pandarayang ginawa sa kanya ni Adolfo matapos kunin ang trono ng Albanya at agawin sa kanya si Laura.

Nagpakilala ang Moro na siya’y si Aladin, kaaway na mahigpit ng relihiyong Kristiyano at ng bayan ni Florante. Ang kanyang kapalaran ay sinlagim ng kay Florante. Inagaw sa kanya ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab ang kanyang kasintahang si Flerida.

Pagkatapos ng pagsasalaysay ay narinig nila ang dalawang tinig na nag-uusap. Tumayo ang dalawang lalaki at nakita nila sina Laura at Flerida na nag-uusap. Si Flerida’y tumakas sa Persya upang hanapin si Aladin at nang mapagawi siya sa may dakong gubat ay nasumpungan niya si Laura na ibig gahasain ni Adolfo, pinana niya ito at naligtas si Laura sa kamay ng sukab.

Ikinuwento ni Laura ang paghuhuwad ni Adolfo sa lagda ng kanyang ama upang madakip si Florante. Isinalaysay niya ang pamimilit ni Adolfo sa kanya at pagdadala sa gubat.

Sa ganoon ay nabatid nina Florante at Aladin na ang kani-kanilang mga katipan ay pawang tapat sa kanila. Sina Florante at Laura ay matagumpay na naghari sa Albanya at sina Aladin at Flerida, pagkatapos na maging binyagan at pagkamatay ni Sultan Ali-Adab, ay naghari sa Persya.

PARTS OF THE MICROSOFT WORD 2007 SCREEN AND THEIR FUNCTIONS

1. Office Button – Click the Office Button to find a drop down menu containing options, such as: open, save, and print. Also shows previously opened files, which you may choose to “pin” them to make them “permanent” choices.

2. Ribbon – The Ribbon is the strip of buttons and icons located above the work area in Word 2007. The Ribbon replaces the menus and toolbars found in earlier versions of Word. Each ribbon contains groups of command buttons with common purpose. Each ribbon contains 7 tabs.

3. Tab Selector Button – You can easily set tab stops by clicking on the desired position on the ruler. This button allows you to determine which type of tab will be set left aligned , right aligned , center aligned or decimal tab . Clicking on this button will allow you to change the tab style.

4. Rulers – Gives you an idea of where you are on the page

5. Document – This is what you are typing/what will print out

6. Status Bar – This row can be customized by right-clicking and selecting desired options. Desired options may include page number/number of total page, word count, insert/overtype mode, caps lock, and zoom slide.

7. Task Bar – Shows open programs.

8. View Shortcuts – These four buttons allow you to change the way you view your document on the screen. From left to right they are: print layout, full screen reading, web layout and draft. These can be added/removed by right clicking anywhere on the status bar and checking/unchecking View shortcuts.

9. Zoom Slide – Allows you to increase/decrease the amount of the document you see on the screen.

10. View Ruler Button – Allows you to view/hide the rulers.

11. Screen Split Button – At the top of the vertical scroll bar is a new button. Just below the double arrow is a tiny button that looks like a minus sign that lets you split your screen in two when double-clicked. Double-clicking it a second time will unsplit your screen.

12. Scroll Bars – Allows you to view entire workbook by moving it up, down (vertical scroll bar), left or right (horizontal scroll bar).

13. Right Indent – Slide this triangle to the left of the margin to limit the right side of a paragraph to that point. Move the triangle to the right of the margin to allow the right side of the paragraph to extend beyond the margin. The triangle at the margin will keep the right side of the paragraph with the margin.

14. Group – Command buttons with a common purpose are clustered together. Each ribbon contains several groups. Some groups, but not all, contain a quick launch bar (dialogue box launcher) in the bottom right hand corner.

15. Quick Launch Bar/Dialogue Box Launcher – It is the arrow in the bottom right hand corner of some groups. When clicked, it will bring up a dialog box where additional options/changes can be entered.

16. Title Bar – Shows name of program and open document. Also contains minimize, maximize and close buttons.

17. Quick Access Toolbar – This customizable toolbar allows you to add frequently used commands. Click on the down arrow at the end of the toolbar to add/remove command buttons – or - right-click on any command button and choose Add to Quick Access Toolbar.

18. Tab – The ribbon is broken down into 7 tabs. Each tab has a common purpose and consists of several groups. To select a tab, simply click on it and the appropriate groups will be displayed.

19. First Line Indent – This triangle controls where the first line of a paragraph begins. Moved to the left of the margin, will allow the first paragraph to be in the left margin. Can be moved to the right of the margin to indent your paragraph. THIS IS NOT SETTING TABS!

20. Hanging Indent – The opposite of a first line indent. It is often moved to the right of the first line indent, which allows the remaining lines of a paragraph to be indented according to placement of the triangle.